Dating bilanggo sa kasong pagpaslang, pasado na ngayon sa criminology board exam
- Pumasa sa criminology board exam ang isang dating bilanggo sa Basilan
- Dating nagkaroon ng kasong frustrated murder si Jumar Ullang at ngayon registered criminologist na siya
- Nais niyang maging bahagi ng Bureau of Jail Management and Penology
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tuluyan nang nagbagong buhay ang dating bilanggo na si Jumar Ullang lalo pa ngayon at isa na siyang ganap na registered criminologist.
Ayon sa Philippine star, isa si Jumar sa mga maswerte nakapasa sa criminology board exam ngayong taon.
Nalaman ng KAMI na dating nakapiit sa Basilan si Jumar sa kasong murder at frustrated murder. Ngunit dahil sa kakulangan sa ebidensya, nakalaya siya.
Dagdag pa ng mga kamag-anak ni Jumar, sadyang napagbintangan lamang ito ng ilang sinasabing saksi.
Habang nakakulong, nagawang makappag-aral ni Jumar sa pamamagitan ng Alternative Learning system ng DepEd.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
At nang makatapos siya siya ng High School sa loob ng bilangguan, kasunod na rin nito ang pag-dismiss ng kanyang kaso.
Proud naman si Jail Officer 3 Joel Zanoria, information officer ng Isabela City Jail dahil isa siya sa mga nakatulong kay Jumar na makamit ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.
Bagaman at hirap sa kalagayan si Jumar sa bilangguan, di ito naging hadlang upang maayos niyang magampanan ang pagigi niyang estudyante.
Ngayon at registered criminologist na siya, nais niyang maging bahagi ng Bureau of Jail Management and Penology.
“My ambition now is to join the BJMP so I can also help watch over inmates and help them reform for good,”
Napakalaking tulong daw talaga kasi ng maayos na pakikitungo sa kanya ng mga bjmp roon noong siya ay nakakulong kaya laking pasalamat niya sa mga ito.
POPULAR: Read more viral stories here
Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter
A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.
Click the play button and restore your faith in humanity.
Source: KAMI.com.gh