Ina, sinurpresa ng mga anak ng 3-layer cake na gawa sa kanin
- Isang 3-layer cake ang surpresa ng mga anak sa kanilang inang nagdiriwang ng kaarawan
- Ibinhagi raw nila ang ideyang ito dahil bukod sa nakatipid sila ay tiyak na makakain at mauubos din naman ito sa kanilang munting salo-salo
- Simbolo rin daw ito ng pagiging masinop at praktikal ng ina na sa tagal ng panahon ay naitaguyod silang magkakapatid
- Proud ang mga anak sa pagpapalaki sa kanila ng kanilang inang mapagmahal, mapagbigay at laging iniisip muna ang kapakanan ng kanyang mga anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang pagiging pratktikal ng netizen na si Twixy Hershey kung saan naisipan nilang gawan ng cake na gawa sa sinaing na kanin ang kanyang inang nagdiriwang ng kaarawan.
Ibinahagi ni Twixy sa KAMI ang kwento sa likod ng cake na sumisimbolo rin daw umano sa simple ngunit masagana nilang pamumuhay dahil sa kanyang ina.
Imbis na mag-bake o bumili ng mamahaling cake na ang pinakamura at P2,000, naisipan nilang magkakapatid na bumuo ng 3-layer cake na gawa sa sinaing na kanin.
Tiyak din namang mauubos ito gayundin ang mga handang pagkain na pagsasaluhan nila sa kaarawan ng ina.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Kalakip din ng simpleng handaan ang nakakaantig ng pusong mensahe ni Twixy sa kanilang pinakamamahal na ina.
"Happy Happy Happy Birthday Nanay!
Kaya lumaki kaming magkakapatid na mapagmahal at mapagbigay at matulungin
Yung kahit walang-wala ka nay, yung kahit meryenda mo na lang nay kahit hindi ka na kumain maibigay mo lang sa amin at makakain kami
Isa yun sa hinahangaan ko sa'yo nay. Mas lagi mong iniisip ang iba. Mas lagi mong inuuna. Hindi tayo mayaman pero andyian ka, willing magbigay, magmahal at tumulong.
Dahil sa pagmamahal at pangaral niyo sa amin, namana namin iyon sa'yo
Mahal na Mahal ka namin nanay!
Wala akong ibang hiling at dasal na sana lagi kayo healthy ni tatay"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh