Ina na may apat na anak, naglabas ng hinaing sa DepEd tungkol sa learning modules

Ina na may apat na anak, naglabas ng hinaing sa DepEd tungkol sa learning modules

- Viral ang post ng isang ina na naglabas ng kanyang opinyon tungkol sa pagpapatupad ng modular approach ng DepEd

- Apat ang kanyang mga anak na pawang nasa pre-school hanggang grade 3 pa lamang na nangangailangan ng pagtutok sa pagsasagot sa module

- Hayagan niyang inamin na sobra na siyang 'stress' sa pagtuturo sa mga anak lalo na at hindi naman daw siya isang guro

- Pinuna rin ng ina ang ilang mga kamalian sa key to correction ng kanyang mga anak na dapat bigyang atensyon din ng departamento

- Gayunpaman, nilinaw ng ina na naglalabas lamang umano siya ng sentimyento sa nararanasan niya sa home schooling ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ina na may apat na anak, naglabas ng hinaing sa DepEd tungkol sa learning modules
Photo from Pixabay
Source: UGC

Matapang ang naging pahayag ng isang ina na si Donnalyn Agravante kung saan naglabas umano ito ng kanyang saloobin patungkol sa new normal sa edukasyon na kanyang nararanasan sa kanyang mga anak.

Read also

UPDATED: VERA Files fact checks article about effects of eating hotdogs

Nalaman ng KAMI na apat umano ang mga anak ni Donnalyn na nasa pre-school, Kindergarten, Grade 2 at Grade 3 na pawang nangangailangan pa ng tutok sa pag-aaral.

Aminado si Donnalyn na hindi biro ang pagtuturo sa mga anak sa dami ng dapat nilang gawin, kada-grade level at bawat subjects nito.

Bukod kasi sa mga modules, mayroon din daw na mga tasks sheets, activity sheets, summative tests at maging pagtuturo ng 'cursive writing' ay kanya ring ipinapagawa.

Para sa kanya, sana raw ay naisip ng Kagawaran ng Edukasyon na hindi lahat ng magulang ay nasa bahay lamang para maturuan ang mga anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi rin umano lahat ng magulang ay isa o dalawa lamang ang mga anak na kanilang tuturuan ngayong naka-home school lamang ang mga bata.

Nabanggit din ni Donnalyn na dumagdag pa umano sa nararamdaman niyang stress ang mga maling key to correction na hindi umano inayos bago pa man ipamahagi ang module.

"I'm just sharing my sentiments baka sakaling makarating pero kahit mahirap magco-comply ako para sa mga anak ko!" paglilinaw ni Donnalyn na matiyaga pa ring magtuturo sa mga anak na ayaw din naman niyang mapag-iwanan pagdating sa pag-aaral.

"Hindi porke't nagrereklamo kami ay hindi kami nagtitiyaga. Ginagawa din namin lahat ng kaya namin at hindi porke't naglalabas kami ng sentimyento ay ini-invalidate namin ang effort ng mga guro,hindi ganon,walang ganon," dagdag pa ng ina.

Nilinaw din niyang ito'y pawang opinyon lamang niya at wala raw itong bahid ng anumang pananapak kaninoman.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Oktubre 5 nang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Siniguro ng Kagawaran ng Edukasyon na walang face-to-face classes na magaganap bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na lumalaganap na COVID-19.

Kaya naman naghanda sila ng iba't ibang learning modalities makapaghatid lamang ng edukasyon sa mga kabataang nais na magpatuloy ng pag-aaral.

Bukod sa online classes, TV at radio shows, isa sa pamamaraan ng pagkatuto ng mga estudyante ngayon ang modular approach na siyang ginagawa nina Donnalyn at kanyang mga anak.

Subalit kabi-kabilang mga hinaing ang naibato sa DepEd kabilang na rito ang ilang mga pagkakamali sa modules na hindi raw nararapat na naroon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica