DepEd, inanunsyo ang bagong petsa ng pagbubukas ng klase ngayong taon
- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Department of Education tungkol sa ilang pagbabago sa pagbubukas ng klase ngayong panuruang taon
- Nangangahulugan lamang na hindi tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24
- Ito ay dahil sa muling pagbabalik ng ilang lugar sa modified community quarantine kabilang na dito ang Metro Manila
- Binigyang diin din ng Kagawaran ng Edukasyon na ipagpatuloy pa rin ng mga guro ang paghahanda para sa pagsisimula ng klase
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naglabas na ng opisyal na pahayag si Education Secretary Leonor Briones kaugnay sa pagbabago ng pagbubukas ng klase ngayong taon.
Nalaman ng KAMI na mula Agosto 24, gagawin na itong Oktubre 5.
Ito ay alinsunod sa isinumiteng rekomendasyon na pinadala ng Kagawaran ng Edukasyon na inaprubahan naman ng pangulo ngayong araw, Agosto 14.
Nakatanggap si Secretary Briones ng memorandum mula sa opisina ng Pangulo na nagpapahintulot sa panibagong petsa ng pagbubukas ng klase ngayong panuruang taon 2020-2021.
Labis na naapektuhan ang paghahanda ng mga guro sa ang mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Gayunpaman, inabisuhan ng naturang departamento ang patuloy na paghahanda ng mga guro para sa pagbubukas ng klase sa Oktubre.
Nangangahulugang tuloy pa rin ang mga dry-runs, orientations at delivery ng mga learning modules.
Inaasahang ito na ang magiging huli at pinal na desisyon kaugnay sa pagsisimula ng school year ngayong taon.
Matatandaang Agosto 24 ang orihinal na petsa ng pagbubukas sana ng klase at magtatapos sana sa Abril 30 sa susunod na taon.
Ngunit nabago ito dahil na rin sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa partikular na sa National Capital Region na nagiging sanhi ng pagkaantala ng ilang bagay na dapat na ihanda.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Limitado ang galaw ng mga tao na hindi maaring magtipon-tipon tulad ng mga guro na kahit naka-work-from-home ay ginagawa ang lahat upang makapaghanda para sa pagbubukas ng klase kung saan 'blended learning' na ang magiging sistema.
Ito ang tinatawag na 'new normal' sa edukasyon dahil sa iba't ibang pamamaraan ng pagkatuto ng mga bata tulad ng online classes, klase gamit ang mga programa sa DepEd TV at radio at ang mga learning modules na ipamamahagi sa mga bata.
Iginiit din Kagawaran ng Edukasyon maging ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang magaganap na face-to-face classes o iyong pagpasok ng mga bata sa mga paaralan hangga't wala pa ring lumalabas na vaccine laban sa COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh