Estudyanteng inalala pa ang module na nalubog sa baha, pinakalma ng guro

Estudyanteng inalala pa ang module na nalubog sa baha, pinakalma ng guro

- Viral ang post ng isang guro na nagbahagi ng kalagayan ng kanyang estudyante

- Naisip pa rin daw kasi ng estudyante ang mga modules niyang nalubog sa baha gayung hirap na ang kalagayan ng kanilang pamilya

- Pinakalma na lamang niya ang kanyang mag-aaral at sinabing mas mainam na ligtas ito at kanyang pamilya kaysa sa module

- Maging ang mga netizens ay nadurog ang puso sa kinahinatnan ng bata na pag-aaral pa rin ang inisip sa kasagsagan ng delubyong dala ng Bagyong Ulysses

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Estudyanteng inalala pa ang module na nalubog sa baha, pinakalma ng guro

Photo from Wikimedia Commons
Source: Facebook

Umantig sa puso ng mga netizens ang viral post ng isang guro na ibinahagi ang naging mensahe sa kanya ng kanyang estudyante.

Nalaman ng KAMI na ang estudyante ay isa sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses at nalubog din sa baha.

Sa post ni Majie Cartajena, makikita ang mataas na tubig sa loob ng bahay at ang mensaheng "Ma'am, inalon po module ko, basa," na send umano ng isa sa kanyang mga estudyante.

Viral na sanggol na nasa palanggana dahil sa baha, ligtas gayundin ang kanyang pamilya

Aminado raw si Majie na hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman sa mensaheng ipinadala ng mag-aaral.

Sa kasagsagan kasi ng pananalasa ng Bagyong Ulysses ay inisip pa ng mag-aaral ang pag-aaral niya gayung maging ang sarili nilang mga buhay ay nasa panganib.

Dahil dito, sinabi ng guro na huwag na munang isipin ang module dahil maari naman itong mapalitan.

Ang mahalaga ay maisalba ng mag-aaral ang kanyang buhay gayundin ang kanyang mga mahal sa buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Wala akong pakialam sa module nyo kung mabasa. Mas mahalaga kaligtasan niyo. Unahin niyo muna sarili at pamilya niyo,"

"Napapalitan yang mga modules kayo hindi. #StaySafe," ang taos-pusong mensahe ng guro para sa kapakanan ng kanyang estudyante.

Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens at karamihan dito ay paghanga sa mag-aaral.

Sanggol, inilagay sa palanggana upang masigurong di lumubog sa mataas na tubig baha

Hangad lamang nila ang kaligtasan nito gayundin ng kanyang pamilya. Hiling din ng marami na makatapos ito ng pag-aaral lalo na sa pinakita nitong determinasyon na sa kabila ng kinakaharap na sakuna, pag-aaral pa rin ang nasa isip.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nobyembre 11 ng gabi nang manalasa ang Bagyong Ulysses sa iba't ibang bahagi ng Luzon.

Isa sa mga labis nitong nasalanta ang Lungsod ng Marikina dahilan sa pagtaas ng tubig sa ilog nito, dahilan para bahain ang maraming residente roon.

Marami ang mga hindi agad nakalikas at nagkalat ang paghingi nila ng saklolo sa social media.

Isa sa mga rumesponde ang Lungsod ng Makati kung saan nagpadala ng search and rescue team si Mayor Abby Binay upang makatulong sa mga taga-Marikina.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel