Ginang, nanganak sa kasagsagan ng rescue operations sa Tuguegarao

Ginang, nanganak sa kasagsagan ng rescue operations sa Tuguegarao

- Isang ginang ang nanganak sa Tuguegarao City sa kasagsagan ng search and rescue operations sa kanilang lugar

- Sa tulong ng mga pulis, agad na nailikas ang ginang na nakaramdam na ng pananakit ng tiyan dahil sa kanya na palang kabuwanan

- Mismong ang mga pulis ang nagpaanak sa ginang at maayos naman nitong naisilang ang isang malusog na sanggol

- Maging ang mga netizens ay naging emosyonal sa tagpong ito na tila nagbigay pag-asa sa kasalukuyang sitwasyon sa Cagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ginang, nanganak sa kasagsagan ng rescue operations sa Tuguegarao
Photo from Tuguegarao City PNP
Source: Facebook

Napaanak ang isang ginang sa Brgy. Bagay, Tuguegarao City sa kabila ng search and rescue operations sa kanilang lugar ngayong Nobyembre 14.

Nalaman ng KAMI na isa ang Brgy. Bagay sa mga nalubog sa mataas na baha sa Tuguegarao mula pa nang manalasa ang Bagyong Ulysses.

Agad na nailikas ang ginang na nakaramdam na ng pananakit ng tiyan sa tulong ng mga pulis na tumutulong sa pagsagip sa ating mga kababayan doon.

Read also

Philippine Coast Guard, patuloy ang search and rescue operations sa Tuguegarao City

Sa larawang ibinahagi ng Rappler na mula umano sa Tuguegarao City PNP, makikitang pasan ng ilang pulis ang ginang na mangangak na.

Lubog man sa baha, pilit nilang itinataas ang ginang mailigtas lamang ito pati na rin ang sanggol na kanyang isisilang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa mga larawang ibinahagi naman ng Inquirer, makikitang naging matagumpay ang pagpapanak ng mga pulis dahil isang malusog na sanggol ang naipanganak.

Dahil dito, tila naging emosyonal ang ilang netizens lalo na at isang simbolo ng pag-asa ang maayos na pagkakasilang sa sanggol sa kabila ng matinding trahedya na kinahaharap ng kanilang probinsya.

Nobyembre 13 nang mag-viral at mag-trending ang mga post na may hastag na 'Rescue Tuguegarao' at #CagayanNeedsHelp.

Ito ay ilang araw na matapos na manalasa ang Bagyong Ulysses sa iba't ibang bahagi ng Luzon.

Read also

Mag-amang naisipan pang balikan ang learning modules, nasawi dahil sa Bagyong Rolly

Hindi man naging sentro ng Bagyo, labis paring binaha ang probinsya ng Cagayan.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News sa gobernador ng Cagayan na si Manuel Mamba, hindi naman umano sila nagkulang sa pagbabala sa kanilang mga mamamayan. Hindi lamang talaga nila inasahan na magaganap ang matinding pagbaha sa kasaysayan ng kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa Cagayan, malawakang pagbaha rin ang dinanas ng mga taga-Marikina. Halos nanariwa raw sa kanila ang labis ding pagtaas ng tubig dahil sa Bagyong Ondoy noong 2009.

Gayundin ang ilang bahagi ng probinsya ng Rizal na nalubog din sa baha. Hindi halos malaman ng mga residente sa nasabing lugar kung paano sila magsisimula dahil sa matinding trahedyang nangyari sa kanila dala ng Bagyong Ulysses.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica