Mag-amang naisipan pang balikan ang learning modules, nasawi dahil sa Bagyong Rolly

Mag-amang naisipan pang balikan ang learning modules, nasawi dahil sa Bagyong Rolly

- Kasama sa limang nasawi sa Virac, Catanduanes ang mag-amang binalikan ang learning modules sa bahay nilang malapit sa ilog

- Natagpuan ang bangkay nila noong November 2 sa ilog, limang minuto mula sa kanilang tahanan

- Hawak pa umano ng anak ang kanyang modules nang matagpuan ang kanilang mga katawan

- Labis na nagdadalamhati ang ina at dalawa pang anak sa sinapit ng mag-ama lalo pa at running for honors ang nasawing anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mag-amang naisipan pang balikan ang learning modules, nasawi dahil sa Bagyong Rolly

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Hindi na nakabalik pa ng buhay ang mag-amang sina Mario at Mecaella Jacob na binalikan lamang ang learning modules at iba pang kagamitan sa eskwela sa kanilang tahanan noong kasagsagan ng Bagyong Rolly.

Nalaman ng KAMI na naisipan umanong balikan ng mag-ama ang mga gamit ni Mecaella lalo na at running for honors ito sa kanilang paaralan.

Larawan ng bride at groom, viral dahil sa 'sweet caption' nito

Kwento ng ina na si Liwayway Jacob, iba na raw ang kaba ng dibdib niya nang hindi nakabalik ang kanyang mag-ama kina-umagahan.

Sa kasamaang palad, kasama na pala ang dalawa sa mga nasawi dahil sa Bagyong Rolly na labis din ang pinsala sa Virac, Catanduanes.

Natapuan ang bangkay ng mag-ama sa ilog na may limang minuto pa ang layo sa kanilang tahanan noong Nobyembre 2.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hanggang sa huling sandali, hawak pa rin ni Mecaella ang kanyang module nang makita ang kanilang bangkay.

Labis na nagdadalamhati si Liwayway at dalawa pa niyang anak na naiwan na ng mag-ama.

"Wala sanang iwanan, pero nauna na sila"

"Pero masaya na rin po ako dahil magkasama naman sila ng papa niya," ang emosyonal na pahayag ng ina.

Humihingi ng tulong pinansyal si Liwayway dahil bukod sa pinsalang naidulot ng bagyo sa kanilang tahanan, ang kanyang mister talaga ang siyang naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya.

Buntis na misis, itinanan ang pamangkin ng kanyang mister

Narito ang kabuuan ng ulat mula sa ABS-CBN News YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang ama sa Albay ang namatayan ng apat na taong gulang na anak na nakabitaw sa kanya at inanod ng rumaragasang tubig dahil pa rin sa Bagyong Rolly.

Ang masaklap pa rito, nawawala rin ang kanyang misis at isa pang anak at malakas daw ang kutob niyang buhay pa ang mga ito.

Huling nakita ang kanyang mag-ina na sumilong sa isang bahay ngunit ang bahay na ito at natabunan na rin ng putik.

Araw-araw na bumabalik sa lugar ang ama na umaasang makikita pa rin na buhay ang dalawang mahal niya sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel