Amang namatayan ng bunsong anak, umaasang buhay pa ang misis at isa pang anak

Amang namatayan ng bunsong anak, umaasang buhay pa ang misis at isa pang anak

- Hindi nawawalan ng pag-asa ang isang ama sa Guinobatan, Albay na matatagpuan pa niya ang mag-ina niyang nawawala

- Nagkahiwalay umano sila mag-anak matapos na rumagasa ang tubig sa kanilang lugar

- Namatayan pa siya ng bunsong anak at ito raw ang pinakabatang nasawi sa pagtama ng Bagyong Rolly sa Bicol

- Kasalukuyan pang nakaburol ang apat na taong gulang niyang anak habang hinahanap pa rin niya ang nawawalang mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Amang namatayan ng bunsong anak, umaasang buhay pa ang misis at isa pang anak

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Isa si Salvador Manrique sa mga nakaligtas sa delubyong dala ng Bagyong Rolly sa Guinobatan, Albay.

Subalit nalaman ng KAMI na ang pinakabatang nasawi sa naturang lugar ay ang bunsong anak ni Salvador na si Samuel.

Kwento ng ama, nakakapit pa umano sa kanya ang kanyang mga anak nang biglang rumagasa ang tubig dahilan para sila ay magkawatak-watak.

Principal sa Aklan, hinangaan dahil nagmistulang construction worker sa pag-aayos ng paaralan

Sa iba't ibang barangay na naanod ang ilan niyang anak kabilang na si Samuel na binawian ng buhay.

Samantala, mayroon naman daw nakakita sa kanyang mag-inang sina Elve at Mikaela na sumilong sa isang bahay subalit natabunan naman ito ng tubig at putik.

Dahil dito, araw- araw na bumabalik sa naturang lugar si Salvador sa pag-asang makikita pa ang kanyang mag-ina.

Habang nakaburol ang kanyang bunsong anak, patuloy naman siyang naghahanap at umaasang buhay pa sina Elve at Mikaela hangga't hindi pa nakikita ang mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng video mula sa ABS-CBN News:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang Undas, ay nanalasa ang Bagyong Rolly sa bansa partikular na sa Bicol Region.

Anak, nais paalisin ang kabit ng ama na sinisiraan daw ang kanyang ina

Naituring itong Super Typhoon kung saan umabot sa Signal number 5 sa nasabing rehiyon.

Umabot 20 katao ang nasawi sa hagupit ni Rolly kasama na rito ang anak ni Salvador na si Samuel.

Sa ngayon, patuloy na mino-monitor naman ang posibleng pagpasok ng isa na naman bagyo sa bansa na papangalanang "Tonyo."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel