Pamilya sa Albay na nanatili sa kisame habang humahagupit si "Rolly", sapul sa video

Pamilya sa Albay na nanatili sa kisame habang humahagupit si "Rolly", sapul sa video

- Isang video ang ibinahagi kung saan makikita ang naging sitwasyon ng isang pamilya sa Albay, Bicol

- Sa tindi ng paghagupit ng Bagyong Rolly, nanatili ang pamilya sa kisame ng kanilang bahay

- Maririnig din ang kanilang dasal habang sinisikap na paglabanan ang takot sa nagaganap na 'Super Typhoon'

- Umaasa ang lahat ng nakakita ng video na ligtas pa rin ang pamilyang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pamilya sa Albay, nanatili sa kisame ng bahay habang hinahagupit ng bagsik ni "Rolly"

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Umantig sa puso ng marami ang video na nagpapakita ng kalagayan ng isang pamilya sa Albay, Bicol.

Nalaman ng KAMI na kuha ang video sa kasagsagan ng Bagyong Rolly na naituring na Super Typhoon na tumama sa bansa.

Makikita sa video na naibahagi rin ng GMA Public Affairs kung paanong nanatili ang isang pamilya roon sa kisame ng kanilang tahanan habang humahagupit si "Rolly."

Video ng lalaking nagkape at tumambay sa labas sa kasagsagan ni "Rolly", viral

Matinding kapit sa lubid na nakakubli sa haligi ng bahay ang kanilang pinanghahawakan.

Kasabay nito ang pagbigkas nila ng panalangin upang maligtas sila sa nakaambang panganib dahil sa lakas ng hangin, ulan at matinding pagbaha.

Maririnig din ang di mapigilang pag-iyak ng ilan sa kanila dala ng matinding takot.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masaklap pa kasi sa nangyari, bukod sa pag-ulan, hangin at baha, rumaragasa rin ang lahar sa kanilang lugar na may kasamang malalaking bato.

Dahil dito, hangad ng mga netizens na nakapanood ng video na nakaligtas pa rin ang pamilyang ito na talagang lumaban at nanalangin, para sa kanilang buhay.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakaiyak panoorin sitwasyon nila habang humahagupit ang bagyong #RollyPH"

"Nakaligtas sana silang lahat, mabisa ang dasal!"

"Tiyak na sira o maaring mawala na ang kanilang mga ari-arian ngunit ang mahalaga ay ang bawat miyembro ng kanilang pamilya"

Michelle Bana-ag, handang tulungan ng isang nagmamalasakit na netizen

"Grabe si Rolly. Signal number 5 at talagang pinanindigan niya yun. safe sana ang family na ito"

"Naluha ako habang pinapanood ang pamilyang ito. Sana ligtas sila at magkakasama pa rin"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa araw ng undas ngayong taon ay nanalasa sa bansa ang Bagyong Rolly. Naituring itong "Super Typhoon" na kumitil na sa ilang buhay ng mga kababayan natin lalo na sa Bicol Region.

Tumaas ng hanggang Signal no. 5 ang storm signal doon na nakapinsala sa maraming mga kabahayan at kabuhayan.

Ngayon, inaantabayanan naman ang isa pang bagyong nasa Philippine Area of Responsibility na na may pangalang 'Siony.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel