Good bye, bilbil? 3 na mabisang tips upang tuluyang magpaalam sa tyan na malaki

Good bye, bilbil? 3 na mabisang tips upang tuluyang magpaalam sa tyan na malaki

- Marami ang may gustong mawala ang kanilang bilbil sa tiyan

- Subalit, marami rin ang nahihirapan na makamit ang ganilang body goals

- Kaya naman, inilista ng KAMI ang tatlong tips upang tuluyang mawala ang bilbil

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi maitatanggi na karamihan sa mga Pinoy ay nag nanais ng isang sexy o payat na katawan. Hindi lamang para sa pisikal na kaanyuan pero para na rin sa kalusugan. Ngunit, marami nga rin ang nahihirapan magpapayat lalo na ngayong malapit na ang Pasko kung saan tampok ang kaliwa’t-kanang kainan.

Nalaman ng KAMI sa palabas ng GMA Network na Pinoy MD na may dalawang uri raw ng taba, ang “subcutaneous fat” o tabang kayang pisilin sa tyan na nasa ilalim lang ng balat at ang “visceral fat” o ang taba na nakabalot na sa mga organs na mas mahirap paliitin. Ang pagkakaroon din daw ng visceral fat ay maaaring magdulot ng sakit sa puso at diabetes.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Good bye, bilbil? 3 na mabisang tips upang tuluyang magpaalam sa tyan na malaki
Photo from Joy.pl
Source: Facebook

Narito naman ang 3 tips upang tuluyan na ngang mawala ang bilbil ayon sa Pinoy MD:

1. Tamang diet

Isa nga sa mga epektibong paraan upang pumayat ang pagkain ng tama. Hindi rin daw makakatulong sa pagpapapayat at sa kalusugan ang “crash diet” o ang hindi pagkain. Ayon nga sa isang trainer na si Jeff Lopez, nakaugalian na raw nila ang kumain every 3 hours upang mapanatili ang enerhiya sa kanilang katawan.

Makakatulong din daw ang pagkakaroon ng “meal plan” upang maobserbahan ang mga kinakain. Maaaring ugaliin ang pagkain ng almusal na maraming fiber at protein katulad na lang ng saging at itlog. Pwede rin daw mananghalian ng manok, brown rice at carrots. Maaari ring magmeryenda ng yoghurt o prutas. Iwasan daw ang pagkain ng mga junkfoods at mga matatamis.

2. Ehersisyo

Magiging malaking tulong din daw ang pagsasagawa ng ehersisyo na may mataas na intensity o ang Hight-Intensity Interval Training (HIIT). Kadalasan, tumatagal ang isang session ng HIIT sa loob ng 10 hanggang 30 minutos.

Read also

Comelec, dumulog sa NBI ukol sa viral video ng umano'y pagpupunit ng mga balota

3. Manatiling hydrated

Dahil sa mainit na klima sa Pilipinas, maganda rin daw ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig ayon sa Female Network. Sabi nga nila, okay daw ang 8 na baso ng tubig kada-araw pero mas maigi kung makakainom ng dalawang litro ng tubig sa isang araw. Para na rin daw ito sa magandang pagtakbo ng katawan at metabolism upang mas makapag-burn pa ng mga taba.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mahirap man sa umpisa, pero sure raw na makikita ang pagbabago sa loob ng tatlong buwan kapag sinunod ang mga ito. Importante rin daw ang disiplina sa sarili upang maging epektibo ang mga ginagawang paraan upang mawala ang bilbil.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ogie Diaz sa mga campaign rally ni VP Leni: "25 stages. Libre. Walang bayad. Kusang-loob"

Tricky Questions: What Color Is This Word? | This game appears simple: you should name the color of the word appearing on the screen. Let us see if you can pass it! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)