Buntis na misis, itinanan ang pamangkin ng kanyang mister

Buntis na misis, itinanan ang pamangkin ng kanyang mister

- Dumulog kay Raffy Tulfo ang mister na masama ang loob dahil nagtanan umano ang kanyang misis at kanyang pamangkin

- Magkasama na ngayon ang dalawa at ang ama ng dinadala ng misis ay ang pamangkin ng kanyang mister

- Aminado naman ang dalawa sa relasyon at 'natukso' lamang daw sila dahil mas madalas silang nagkakasama

- Dahil sa nangyari, ipauubaya na ng mister ang misis sa kanyang pamangkin subalit may kondisyon ito na hindi na maaring makita ng misis ang kanilang anak na may special needs

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buntis na misis, itinanan ang pamangkin ng kanyang mister

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang mister na si Julito Laquio at inirereklamo nito ang kanyang misis na si Maricel Laquio na sumama na sa ibang lalaki.

Nalaman ng KAMI na mismong ang pamangkin pa ni Julito na si Roberto ang itinanan ng kanyang misis.

Inmate, matiyagang tinuturuan ang limang taong gulang na anak sa 'e-dalaw'

Nagdadalang tao na rin si Maricel at ang ama nito ay ang pamangkin ng kanyang asawa.

Hindi naman itinanggi ng dalawa ang kanilang relasyon lalo na at sila na ngayon ang nagsasama.

Ayon sa misis, natukso lamang siya dahil sa malambing ang pamangkin ng mister.

Madalas niya kasi itong nakakasama at nakikinig daw umano ito sa kanyang mga problema di tulad ng kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ganoon din naman si Roberto na aminadong natukso lamang at naawa sa misis ng kanyang tiyuhin.

Pinalayas daw umano kasi ito ngunit paglilinaw ng mister, pinalayas ang misis dahil nga sa kasalanang nagawa nito na pakiki-apid sa kanyang pamangkin.

Handa naman umanong ipaubaya ng mister ang kanyang asawa lalo na at dalawa sa kanilang mga anak ay nasa wastong pag-iisip na.

Subalit ang isa sa mga ito ay may special needs na ayaw na umanong ipakita pa ni Julito sa kanyang asawa. Dito bahagyang umalma si Maricel ngunit kalaunan ay pumayag na lamang.

Anak, nais paalisin ang kabit ng ama na sinisiraan daw ang kanyang ina

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube Channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, ay isang anak naman ang humingi ng tulong sa programang 'Wanted sa Radyo' at napilitan na lamang umalis sa poder ng kanyang ama na kasama na ang kabit nito sa kanilang tahanan.

Wala na rin kasing balak na ipaglaban pa ng kanyang ina ang karapatan nito bilang asawa kaya pinayuhan na rin ni Tulfo na ang anak na nasa wastong edad naman na ang umalis sa kanilang pamamahay.

Bukod sa pagiging batikang news anchor sa bansa, kilala rin si Raffy Tulfo sa agaran niyang aksyon sa mga kababayan nating naaapi at nagsusumbong sa kanya. Marami na rin siyang mga Pilipino na kapos-palad na nabigyan naman niya ng pangkabuhayan upang makapag-bagong buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel