Philippine Coast Guard, patuloy ang search and rescue operations sa Tuguegarao City

Philippine Coast Guard, patuloy ang search and rescue operations sa Tuguegarao City

- Ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) public affairs ang ilang litrato na kuha sa actual na search and rescue operations sa Tuguegarao

- Makikita sa social media post ng PCG ang kalunos-lunos na kalagayan ng ilang residente na naghihintay ng tulong

- Bukod sa mga residenteng kumakaway upang makahingi ng tulong, makikita din ang kabahayan na halos mga bubong na lang ang nakikita

- Ang Tuguegarao ay isa lamang sa mga lugar na pinakaapektado ng baha matapos magpakawala ng tubig ang Angat dam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang naging kalagayan ng mga residente na apektado ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley. Kabilang na dito ang ilang lugar sa Tuguegarao.

Sa mga litratong ibinahagi ng Philippine Coast Guard sa Facebook, makikita ang mga residenteng nasa kani-kanilang mga bubong habang kumakaway upang mapansin sila at mailigtas.

Read also

Mga taga-Cagayan, di inaasahan ang labis na pagbaha na pinaka-grabe sa kanilang kasaysayan

Philippine Coast Guard, patuloy ang search and rescue operations sa Tuguegarao City
Philippine Coast Guard/Facebook
Source: Facebook

Agad na nagtrending sa social media ang mga panawagang iligtas ang mga residente sa iba't-ibang bahagi ng lungsod at kalapit lugar matapos ibahagi ng mga netizens at ibang residente doon ang kalagayan ng mga taong hindi na makaalis dahil sa taas ng tubig baha.

Sa iba pang mga litrato ay nagmistulang karagatan ang malaking bahagi ng Cagayan Valley dahil kakaunti na lamang ang nakikitang mga halaman at bahay.

Ang naging dahilan ng mabilis na pagtaas ng tubig ay pagpapakawala ng tubig mula sa Angat dam na maiututuring na isa sa pinakamalaking dam sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang bagyong Ulysses na nanalasa sa maraming lugar sa Luzon ay nagdulot ng matinding pagbaha. Unang nag landfall ito sa Patnanungan, Quezon, nitong Miyerkules ng gabi, November 11. Lumabas ito ng tuluyan sa Philippine area of responsibility nito lamang Biyernes. Kabilang sa pinakanaapektuhan ng pagtaas ng tubig ay ang Marikina at Rodriguez, Rizal na lagpas tao ang lalim ng baha.

Read also

Residente sa Tuguegarao City, dinig ang mga sigawan sa pagtawag ng tulong

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa matinding dagok na ito na dumating, patuloy na nanaig pa rin ang pagiging matulungin ng karamihan. Maging ang ilang kilalang personalidad kagaya nina Angel Locsin, Donalyn Bartolome, Jericho Rosales at asawa nitong si Kim Jones at marami pang iba ay tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate