Jericho Rosales at Kim Jones, tumulong mag-rescue ng mga stranded sa Marikina

Jericho Rosales at Kim Jones, tumulong mag-rescue ng mga stranded sa Marikina

- Si Jericho Rosales at Kim Jones ay pinuri sa social media sa kasagsagan ng Typhoon Ulysses

- Sinubukan kasi ng mag-asawa na tumulong sa pag-rescue sa mga kapitbahay sa Tumana, Marikina na na-stranded

- Silang dalawa ay gumamit ng surfboard upang tumulong sa pagsaklolo sapagkat wala silang bangka

- Sa comments section ng video interviews, sinabi ng ilang netizens na napatunayan ng mag-asawa ang kanilang tapang at malasakit sa kapwa sa panahon ng sakuna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Jericho Rosales at Kim Jones, tumulong mag-rescue ng mga stranded sa Marikina

Jericho Rosales and Kim Jones (Photo from Flickr: www.flickr.com/photos/saraabend/14416193305)
Source: UGC

Si Jericho Rosales at ang kanyang asawa na si Kim Jones ay umani ng maraming papuri sa social media sa kasagsagan ng Typhoon Ulysses.

Base sa video interview ng DZMM at ABS-CBN News kay Jericho, sinubukan ng mag-asawa na tumulong sa pag-rescue sa mga kapitbahay sa Tumana, Marikina na na-stranded.

Gumamit ang mag-asawa ng surf board upang tumulong sa pag-saklolo sapagkat wala silang bangka.

Residente sa QC, humingi ng saklolo sa gitna ng Typhoon Ulysses

Sinabi ng mga netizens sa comments section ng video interviews na napatunayan ng mag-asawa ang kanilang tapang at malasakit sa kapwa sa panahon ng sakuna.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga.
“Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard,” Jericho told DZMM and ABS-CBN News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa PAGASA, tatlong beses nag-landfall sa Quezon ang Typhoon Ulysses. Sa una nitong landfall, mayroon itong maximum sustained winds na 150 kilometers per hour. Dahil dito, mayroon nang mga barangay na nagsagawa ng forced evacuations.

Halos isang linggo lamang ang nakararan nang manalasa ang Bagyong Rolly na tumaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) ng hanggang Signal number 5. Umani ng papuri si Vice President Leni Robredo dahil sa kanyang public service sa gitna ng nasabing typhoon.

Liz Uy, ibinahagi kung paano hinarap ang naranasang mom-shaming sa social media

Ilang mga video rin ang nag-viral kaugnay nito kung saan makikita ang mga pinagdaanan ng mga pamilyang sinalanta ng bagyo. Masasabing milagrong nakaligtas sila dahil makikita ang hirap na kanilang sinapit dahil sa hagupit noon ni Rolly.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel