Residente sa Tuguegarao City, dinig ang mga sigawan sa pagtawag ng tulong
- Patuloy pa rin ang pagbabaha sa ilang bahagi ng Luzon matapos manalasa ng bagyong Ulysses
- Sa Cusipag Street, Linao East, Tuguegarao City, maraming residente pa rin ang nasa kanilang mga bubong
- Ito ay dahil sa patuloy ng pagtaas ng tubig baha kahit pa nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo
- Sa kalaliman ng gabi ay pawang paghingi ng tulong mula sa mga residente ang maririnig sa mga video na ibinahagi sa social media
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kaagad na nag-viral ang isang video na kuha sa Tuguegarao City ngayong gabi ng Biyernes, November 13, 2020. Walang nakikita sa nasabing video dahil sa kadiliman ng gabi ngunit dinig na dinig ang mga pagsigaw ng mga residente upang makahingi ng tulong sa mga rescuers.
Ibinahagi ng Facebook user na si Jenalyn Macababbad Langcay ang nasabing video na ngayon ay naibahagi na nang mahigit 5,000 beses.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marami din ang nanghihingi ng tulong para sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng social media. Sa isang Facebook post ni Nicole C. Gabun, makikita ang kopya ng mensahe ng isang residente sa nasabing lugar na nagsasabing hindi siya makatulog dahil sa habag na nararamdaman para sa mga kababayan na humihingi ng tulong.
May sumabog umanong transformer sa nasabing lugar. Nanawagan si Gabun na sana ay matulungan na ang mga tao doon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang bagyong Ulysses na nanalasa sa maraming lugar sa Luzon ay nagdulot ng matinding pagbaha. Unang nag-landfall ito sa Patnanungan, Quezon, nitong Miyerkules ng gabi, November 11.
Lumabas ito ng tuluyan sa Philippine area of responsibility nito lamang Biyernes. Kabilang sa pinakanaapektuhan ng pagtaas ng tubig ay ang Marikina at Rizal na lagpas tao ang lalim ng baha.
Sa matinding dagok na ito na dumating, nanaig pa rin ang pagiging matulungin ng karamihan. Maging ang ilang kilalang personalidad kagaya nina Angel Locsin, Donalyn Bartolome, Jericho Rosales at asawa nitong si Kim Jones at marami pang iba ay tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh