Mga taga-Cagayan, di inaasahan ang labis na pagbaha na pinaka-grabe sa kanilang kasaysayan

Mga taga-Cagayan, di inaasahan ang labis na pagbaha na pinaka-grabe sa kanilang kasaysayan

- Hindi inaasahan ng mga kababayan natin sa Cagayan ang ganoon katinding pagbaha na masasabing pinakamalala sa kanilang kasaysayan

- Nilinaw ni Cagayan governor Manuel Mamba na hindi umano sila nagkulang sa pagbibigay paalala at babala sa mga mamamayan ng nasasakupan subalit hindi nila inakalang ganoon katindi ang magiging pinsala ng Bagyong Ulysses

- Nobyembre 13 na halos nang mag-viral at mag-trending ng mga post patungkol sa mga kababayan natin sa Cagayan partikular na sa Tuguegarao na humihingi ng saklolo

- Nakarating na ang ilang miyembro ng Philippine Coast Guard at patuloy ang search and rescue operations sa nasabing lugar.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Cagayan, di inaasahan ang labis na pagbaha na pinakamatindi sa kanilang kasaysayan
Photo from Cagayan Provincial Information Office Facebook
Source: Facebook

Aminado si Cagayan Governor Manuel Mamba na ang pagbaha sa kanilang lalawigan dala ng Bagyong Ulysses ang pinakamatindi sa kasaysayan ng kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na bagaman hindi naman daw nagkulang sa paalala at babala ang mga namumuno sa lugar, nangyari ang hindi inaasahang labis-labis na pagbaha.

Read also

Kalagayan ng mga taga-Bicol sa pananalasa ni Ulysses, ikinabahala ng netizens

Sa ulat ng Esquire, binigyang linaw ang ilan sa mga dahilan ng sobrang pagbaha na ito sa Cagayan gayung hindi naman sila naging sentro ng Bagyong Ulysses.

Masasabing sanay na umano sa pagtaas ng tubig ang naturang lugar subalit sa labis na nakagigimbal ang mabilis at biglaang pagbaha nitong mga nagdaang araw.

Ayon sa panayam ng dzBB kay Gov. Mamba, isa ang pag-abuso sa kalikasan sa mga nakikita nilang dahilan ng pagkakalubog ng maraming tahanan sa kanila.

“Inabuso ang mga kagubatan sa Cagayan kaya nagdulot ng pagbaha,” ayon sa gobernador at nagaganap di umano ito sa loob ng 50 taon.

Isa rin di umano sa mga dahilan ay ang sunod-sunod na pagbagyo na naging sanhi ng pagkapuspos ng lupa kaya't hindi na nito kinaya ang bawat tubig ulan na bumabagsak.

Ito rin ang isang nakikitang dahilan ng labis na pagbaha sa Marikina at Rizal.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Mariano Lingay at Angel, nakapagpundar na ng bahay at sasakyan

Dahil dito, ipinasara na rin ang ilang gates ng Magat Dam sa Cagayan. Mula sa pito nai-ulat na dalawa na lamang ang bukas na gate ng Dam upang makabawas sa tubig na posible namang makadagdag sa pagbaha sa lugar.

Sa pahayag din ni Gov. Mamba sa ABS-CBN News, magsilbing leksyon umano ang nangyaring ito sa kanilang lugar sa publiko na tila bumabalik na ang sa atin ang labis na pang-aabusong nagagawa natin sa ating kalikasan.

"It's just the start of the worst that will have to come. Kaya dapat po siguro matuto tayo sa mga nangyayari sa atin ngayon."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nobyembre 11 nang ginulantang ang iba't ibang bahagi ng Luzon ng hindi inaasahang lakas ni Bagyong Ulysses.

Hindi man naturingang Super Typhoon tulad ni Rolly subalit nagdulot ito ng matinding pinsala sa mga kababayan natin lalong lalo na sa Marikina, Rizal, Quezon at Cagayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica