Kalagayan ng mga taga-Bicol sa pananalasa ni Ulysses, ikinabahala ng netizens

Kalagayan ng mga taga-Bicol sa pananalasa ni Ulysses, ikinabahala ng netizens

- Muli na namang dinaanan ng malakas na bagyo ang Bicol Region

- Dahil dito, ang mga kababayan nating hindi pa man lang nakababawi noon kay Rolly ay muli na namang sinusubok ng bagyong Ulysses

- Makikitang baha na naman muli sa maraming bahagi ng kabikulan at kanya-kanyang likas na ang mga residente kahit patuloy ang hagupit ng bagyo

- Itinaas ang signal number 3 sa Ilang bahagi ng Camarines Sur, Calabarzon at maging ang Metro Manila

Kalagayan ng mga taga-Bicol sa pananalasa ni Ulysses, ikinabahala ng netizens
Photo from Hannah Ashley's Facebook
Source: Facebook

Nabahala ang maraming netizens nang makita ang mga larawan ng mga kababayan natin sa Bicol partikular na sa Camarines Sur at Albay.

Nalaman ng KAMI na kasama ang mga nasabing lugar kung saan nakataas ang Signal number 3 sa pagdaan ng Bagyong Ulysses.

Halos isang linggo lamang kasi ang nakararaan nang manalasa ang Bagyong Rolly sa Bicol Region na naging sanhi ng matinding pinsala sa lugar.

Katunayan, ang ilang mga bahagi nito ay nakararanas pa rin ng kawalan ng kuryente dahil sa mga natumbang poste na hindi pa naisaayos.

Read also

Mag-amang naisipan pang balikan ang learning modules, nasawi dahil sa Bagyong Rolly

Ang ilan, tuluyan pang nawalan ng tirahan sa tindi ng tama ni Bagyong Rolly.

At ngayon, hindi pa man nakakababawi kay Rolly, sinusubok na naman muli sila ng Bagyong Ulysses.

Sa larawang ni Hannah Ashley na naibahagi rin ng Facebook page ng Manny Pacquiao Public Information System, makikitang mataas na ang tubig sa isang barangay sa Camarines Sur.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinapasan na ang mga nagsisilikas dahil sa di matantyang pagtaas ng tubig.

Humihingi na rin ng saklolo ang ilang residente na natatakot na ma-trap sa kanilang tahanan gayung tumataas na ang tubig dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Sa Tiwi, Albay naman, sinuong ng mga rescuers ang malakas na hangin at ayaw paawat na pag-ulan mailikas lamang ang ilang residente.

Makikitang inuna nila ang mga matatanda at bata sa paglikas upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Read also

Raffy Tulfo, pinangaralan ang babae sa viral video na sinigawan pa ang lalaking nabundol niya

Labis ang pag-aalala ng marami nating kababayan nang makita ang kalagayang ito ng mga taga-Bicol at panalangin nila ang kaligatasan ng bawat isa.

Nakataas pa rin sa Signal number 3 ang Camarines Sur, Calabarzon, Metro Manila, Camarines Norte, Catanduanes gayundin ang hilagang bahagi ng Quirino (Maddela, Nagtipunan) hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur) Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, at Bulacan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos isang linggo lamang ang nakararan nang manalasa ang Bagyong Rolly na tumaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) ng hanggang Signal number 5.

Ilang mga video ang nag-viral kaugnay nito kung saan makikita ang mga pinagdaanan ng mga pamilyang sinalanta ng bagyo.

Masasabing milagrong nakaligtas sila dahil makikita ang hirap ng kanilang sinapit dahil sa hagupit noon ni Rolly.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica