Mag-anak, kumot ang banig lang ang ginawang panangga sa hagupit ng Bagyong Rolly

Mag-anak, kumot ang banig lang ang ginawang panangga sa hagupit ng Bagyong Rolly

- Isang mag-anak sa Catanduanes ang gumamit lamang ng kumot at banig bilang panangga sa hagupit ng Super Typhoon Rolly na dumaan sa bansa

- Apat na oras na natili ang magkakaanak sa ilalim ng mga kumot at banig habang binabayo ng bagyo ang kanilang lugar

- Kitang-kita sa kanilang mga larawan na sila ay basang-basa at tinitiis daw nila noon ang matinding lamig

- Ligtas naman daw ang bawat isa sa kanila subalit ang pino-problema nila ngayon ay kung paano makababangon sa iniwang pagsubok dala ng Bagyong Rolly

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mag-anak, kumot ang banig lang ang ginawang panangga sa hagupit ng Bagyong Rolly

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Nag-viral ang mga larawang naibahagi ni Yvette Marie Tagle kung saan nakunan niya ng larawan ang sinapit ng kanilang pamilya sa kasagsagan ng Bagyong Rolly sa kanilang lugar sa San Andres, Catanduanes.

Nalaman ng KAMI na pawang mga kumot at banig lamang ang panangga nila sa matinding hagupit ng Super typhoon Rolly.

Mag-amang naisipan pang balikan ang learning modules, nasawi dahil sa Bagyong Rolly

Kamag-anak ni Yvette ang nagbahagi sa social media ng mga larawan kung ano ang pinagdaanan ng kanilang pamilya makaligtas lamang.

Kwento pa ni Yvette, apat na oras silang nagkubli sa mga kumot at banig. Basang-basa at tinitiis nila ang lamig dahil sa patuloy na paghampas sa kanila ng tubig at hangin dala ng matinding pag-ulan.

Unti-unti na rin silang natatanggalan noon ng bubong at iba pang bahagi ng kanilang tahanan.

Sinubukan pa raw nilang makisilong sa kanilang kapitbahay subalit maging ang tirahan din nito ay natangay ng matinding ulan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Masasabing milagro ang pagkakaligtas ng bawat isa sa kanila.

Subalit ang matinding pinoproblema nila sa ngayon ay kung paano makababangon sa pagsubok na dala ni Rolly.

Wala pa rin silang maayos na kain gayung ang mga nahulog na bunga ng mga puno sa paligid ang kanila lamang pinagsasaluhan.

Amang namatayan ng bunsong anak, umaasang buhay pa ang misis at isa pang anak

Hindi pa rin kasi nakararating ang mga relief sa kanilang lugar na isa sa mga labis na nasalanta ng bagyong Rolly.

Kaya naman nanawagan si Yvette sa mga mabubuting puso at makapagpapadala sa kanila ng anumang tulong dahil bukod sa pandemya, ang mga bakas ng bagyong Rolly naman ngayon ang kanilang pinapasan.

Narito ang video mula sa ABS-CBN News:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang Nobyembre 1 nang manalasa ang Super Typhoon na pinangalanang Rolly sa ating bansa.

Itinaas sa Signal number 5 ang ilang bahagi ng bansa na maging ang Metro Manila ay kasama sa mayroong Storm Signal number 4.

Tulad ng pamilya ni Yvette, isang mag-anak naman sa Bicol ang nanatili sa kisame ng kanilang tahanan habang binabayo sila ng bagyong Rolly.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel