Mayor Abby Binay ng Makati, nagpadala ng rescue team sa Marikina City

Mayor Abby Binay ng Makati, nagpadala ng rescue team sa Marikina City

- Nagpadala ng rescue team si Mayor Abby Binay sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina City

- Binubuo ito ng siyam na DRRMO Search & Rescue Team personnel para tulungan ang karatig lungsod

- Makikita sa larawan ang mga pasilidad na dala ng Makati na makatutulong sa pagsagip sa mga residente sa Marikina City na nalubog sa baha

- Marami ang natuwa at humanga sa pinaabot na tulong ng Lungsod ng Makati sa mga taga-Marikina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayor Abby Binay ng Makati, nagpadala ng rescue team sa Marikina City

Photo from Abby Binay Facebook
Source: Facebook

Agad na nagpadala ng tulong ang Lungsod ng Makati sa pangunguna ng kanilang alkalde na si Mayor Abby Binay sa mga labis na nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina City.

Nalaman ng KAMI na sa pagtaas ng tubig sa Marikina river, kaakibat nito ang panganib sa mga residente doon.

Tila bumalik ang mga pangyayari noong Bagyong Ondoy sa Marikina noong 2009 dahil umabot sa 21.8 na metro ang antas ng tubig sa ilog dahilan para ito ay umapaw at malubog ang mga residente ng siyudad.

Pasig City, handa nang mamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ni 'Ulysses' sa lungsod

Agad na nagsilabasan ang mga social media post kung saan nanghihingi umano ng tulong ang mga residente roon maging ang mga taga-Rizal na hindi na rin nalalayo sa lugar.

Karamihan sa kanila'y nasa bubong na ng kanilang mga kabahayan habang patuloy pa rin ang hagupit ni Ulysses na magdamag na nanalasa mula pa noong Nobyembre 11 ng gabi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Dahil dito, isa ang Makati City sa agad na rumesponde at nagbigay ng tulong sa Marikina City.

Nagpadala si Mayora Abby ng siyam na DRRMO Search & Rescue Team personnel.

Mapapansin din sa larawan ang mga pasilidad na dala ng Makati na malaki ang maitutulong sa mga residente ng Marikina na humihingi ng saklolo upang makalikas at makaligtas.

Labis na hinangaan at sinaluduhan ng marami ang inisyatibo na ito ni Mayora Abby ng Makati at handa itong magpaabot ng tulong sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Cheryl Cosim, naluha sa ₱1 milyong donasyon ni Tulfo para sa mga nasalanta ni "Ulysses"

Pinasalamatan siya hindi lamang ng mga taga-Marikina kundi ng mga Pilipinong nagmamalasakit din na matulungan ang kapwa nating nalubog sa baha.

Narito ang larawan ng team na pinadala ng Makati na ibinahagi rin ni Dr. Tony Leachon:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mayor Mar-len Abigail S. Binay-Campos ang kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Makati.

Anak siya ng naging mayor din ng naturang lungsod na si Jejomar Binay na naging Bise Presidente rin ng ating bansa.

Ngayong pandemya, isa si Mayora Abby sa mga nagbigay ng cash aid sa bawat Makatizen sa kanilang lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel