Mariano Lingay at Angel, nakapagpundar na ng bahay at sasakyan

Mariano Lingay at Angel, nakapagpundar na ng bahay at sasakyan

- Ibinahagi ng tambalang MarGel ang kanilang kwento sa online show ni Korina Sanchez na "Rated Korina"

- Naitanong sa dalawa ang tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon at inamin nilang sila nga ay nagmamahalan

- Tatlong buwan na ang kanilang relasyon at ibinahagi nilang unti-unti na silang nakakapagpundar

- Sila Mariano Lingay at Angel ay nakilala sa YouTube at umabot na sa mahigit isang milyon ang sumusubaybay sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng tambalang MarGel ang kanilang kwento sa pamamagitan ng Rated Korina, na napapanood na sa TV5.

Nauna nang ibinahagi ng dalawa ang kanilang love story sa online show ng batikang broadcaster. Sa panibagong panayam sa kanila ni Korina, ibinahagi ng dalawa na nakapagpundar na sila ng paunti-unti.

Si Mariano ay nakabili ng ng sarili niyang bahay at si Angel naman ay nakabili na ng kanyang sasakyan.

Mother Kween, naluluhang inalala ang pagpanaw ng anak na si Lloyd Cadena

Si Mariano Lingay ay labing walong taong gulang na Aeta na mula sa Mabalacat, Pampanga. Pangatlo siya sa anim na magkakapatid.

Hilig umano niya ang pagkanta. Kaya naman naglakas loob siyang sumali sa isang Street Karaoke Challenge. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan sa mas marami pang oportunidad.

Nakipag-ugnayan sa kanya ang isang talent agency at inalok siyang maging on-cam star sa vlog. Dito niya nakilala si Angel na mula naman sa Porac Pampanga.

Nagkahiyaan man nang unang pagkikita, nagpursigi si Mariano na ligawan si Angel kahit pa may agam-agam siya dahil sa mga opinyon ng ibang tao.

Mariano Lingay at Angel, nakapagpundar na ng bahay at sasakyan

Screenshot from Rated Korina/Facebook
Source: Facebook

Naglakas loob itong manligaw sa bahay mismo ng dalaga at dahil sa kanyang pinakitang pagmamalasakit, hindi naging tutol ang pamilya ng dalaga sa kanyang panliligaw.

Inihayag din nilang sila ay isang buwan nang magkarelasyon.

Sa kasikatan at atensiyon na kanilang tinatamo, mayroong mga netizens pa rin na nanghuhusga umano sa kanila.

Kris Aquino, nakaranas ng sintomas matapos magpositibo ang driver sa COVID

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May mga nag-uudyok umano kay Mariano na iwan na si Angel dahil ginagamit lang umano siya nito. Mayroon din namimintas sa panlabas na anyo ng binata.

Gayunpaman, pinapanindigan ng dalawa na nagmamahalan sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kasalukuyan, ang Tambalang Margel ay napapanood sa mga vlogs na ipinapalabas sa YouTube Channel ng SY Talent Entertainment na mayroong nang halos 1 at kalahating milyong subscribers.

Sa kasalukuyan, ilang tambalan na rin ang unti-unting nakikilala sa YouTube kagaya na lamang ng JaMill, Team Ebs, Tim Sawyer at China Roces at marami pang iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel