China Roces at Tim Sawyer, nagkaayos na sa tulong ni Raffy Tulfo

China Roces at Tim Sawyer, nagkaayos na sa tulong ni Raffy Tulfo

- Tuluyan na ngang nagkaayos ang vlogger na si Tim Sawyer at karelasyon nitong si China Roces

- Sa tulong ng broadcast journalist na si Raffy Rulfo, nagkasundo ang dalawa na patawarin na ang isa't-isa

- Ikinatuwa naman ng mga tagahanaga at tagasubaybay ng dalawa ang kanilang pagbabati matapos ang kanilang kontrobersiyal na live video

- Matatandaang nag-ugat ang kontrobersiya matapos isapubliko ni China ang kanilang pagtatalo sa pamamagitan ng isang live video sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkaayos na sina Tim Sawyer at ang karelasyon nitong si China Roces sa tulong ni Raffy Tulfo.

Matapos ang ilang araw, napagpasyahan nilang magkasundo na at patawarin na ang isa't-isa.

Sa programang Raffy Tulfo in Action, muling nagkausap ang dalawa matapos ireklamo ng kampo ni Tria Valentin ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa gulo.

Humiling ng public apology ang pamilya ni Tria dahil na rin sa mga natanggap nitong pambabatikos mula sa ilang netizens matapos mabanggit ni China ang pangalan nito habang nagtatalo sila ni Tim.

Nilinaw naman ni Tria na humingi na ng dispensa si China at nakapag-usap na sila. Nais lamang umano niyang pagbigyan ang pamilya niya na apektado sa pagkakadawit sa pangalan ni Tria sa away ng mag-asawa.

Buong pagpapakumbaba namang humingi ng paumanhin si China kay Tria at sa buong pamilya nito. Nilinaw niyang hindi niya intensyon na saktan si Tria at nadala lamang sya ng kanyang emosyon.

Nang muling kausapin ni Raffy ang mag-asawa, sinubukan nitong pagbatiin ang dalawa para na rin umano mapagbigyan ang hiling ng mga fans ng dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Parehas na bukas sa pakikipag-ayos ang dalawa. Isang payo naman ang iniwan ni Tim para sa mga magkarelasyon.

"Sana maging lesson din to sa lahat ng magkarelasyon. Sana hindi na lang maulit. Huwag na gumawa ng live video kasi dapat yung mga away ng mag-asawa, hindi na dapat isapubliko. Mahirap na kasi yung judgement ng tao," ani Tim.

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa.

China Roces at Tim Sawyer, nagkaayos na sa tulong ni Raffy Tulfo

Photo from Tim Sawyer's Facebook account
Source: Facebook

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang humingi ng paumanhin si Tim matapos sabihin ng flight attendant na nadismaya siya sa ginawa ni Tim. Sinabi rin nitong may asawa na siya at anak. Kasunod nito, naging patok din sa netizens ang video kung saan humihirit siya sa DJ na si Raqi Terra.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel