Rescue team at iba pang tulong, nakarating na sa Cagayan at Isabela

Rescue team at iba pang tulong, nakarating na sa Cagayan at Isabela

- Nakarating na ang ilang miyembro ng Philippine Coast guard sa Cagayan at Isabela

- Nagpadala na rin sila ng mga karagdagang pasilidad upang mas mapabilis ang pagsagip sa mga kababayan natin lalo na sa Tuguegarao

- Hindi man natumbok ng Bagyong Ulysses ay matinding pagbaha rin ang kanilang naranasan at umabot din ng lampas tao ang tubig

- Nag-viral din ang paghingi ng saklolo ng ilang mga kaanank ng taga-Tuguegarao na sumisigaw na sa paghingi ng saklolo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Rescue at iba pang tulong, nakarating na sa Cagayan at Isabela

Sitwasyon sa Cagayan (Photo from Christian Allan E. Agbayani Facebook)
Source: Facebook

Nakarating na sa Isabela at Cagayan ang ilang miymebro ng Philippine coast guard na siyang tutulong sa pagsagip sa mga kababayan nating nasalanta rin ng Bagyong Ulysses noong Nobyembre 11.

Nalaman ng KAMI na matapos na mag-trending at mag-viral ang ilang post na may hashtag "Rescue Tuguegarao" at #CagayanNeedsHelp, sunod-sunod na ang tulong na nakarating sa naturang lugar.

Residente sa Tuguegarao City, dinig ang mga sigawan sa pagtawag ng tulong

Ayon sa Department of Transportation, mula pa kahapon, Nobyembre 13 ay nagsidatingan na sa mga nasabing lugar ang search and rescue team ng PCG.

Magpapadala pa umano sila ng mga karagdagang pasilidad tulad ng rubber boats mula sa PCG Central Office upang mas marami ang masagip na kababayan nating naghuhumiyaw na sa paghingi ng tulong.

Inaasahan din ang karagdagang bilang ng mga rescue team sa Cagayan lalo na at marami na ang napapabalitang pumapanaw lalo na ang mga bata.

Hindi man tinumbok ng Bagyong Ulysses ngunit ang labis na pag-ulan na dala nito ang naging dahilan ng pagtaas ng tubig na umabot na sa mga bubungan ng kanilang bahay.

Tulad ng nangyari sa Marikina City at ilang bahagi ng Rizal, nalubog din sa tubig ang Cagayan partikular na ang Tuguegarao.

Marami sa mga kababayan nating taga roon ang nakapag-post pa o nakapagpadala ng mensahe sa kani-kanilang mga kamag-anak upang maihingi sila ng saklolo.

Mayor Abby Binay ng Makati, nagpadala ng rescue team sa Marikina City

Katunayan, isang video pa umano ang nag-viral kung saan halos dilim lang ang makikita roon ngunit makiinig ang pagsigaw ng saklolo ng maraming residenteng na-trap sa bubong ng kanilang bahay at hindi pa makalikas.

Sa ngayon, patuloy ang pagkalat ng mga social media post para na rin sa kaalaman ng nakararami at upang mas matumbok nila ang lugar kung saan mayroon pang dapat na isagip.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang araw matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses ay marami pa sa ating mga kababayan ang lubog pa rin sa baha tulad na lamang ng mga taga-Isabela at Cagayan.

Ang ilan, hindi malaman kung paano makapgsisimula muli lalo na ang mga nalimas na halos ang mga ari-arian maging ang mismong bahay na nalubog sa tubig baha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel