Matindi! Raffy Tulfo, windang sa pangangaliwa ni misis na may 2 kabit

Matindi! Raffy Tulfo, windang sa pangangaliwa ni misis na may 2 kabit

- Maging si Raffy Tulfo ay hindi rin kinaya ang reklamo ng isang OFW na niloko ng kanyang misis ng dalawang beses

- Ang ginang kasi, dalawang lalaki ang naging karelasyon habang kasal pa sa kanyang mister

- Dahil dito ay desidido si mister na sampahan ng kaso ang kanyang asawa maging ang dalawang lalaki na nakarelasyon nito

- Aminado naman si misis sa kanyang malaking kasalanan at nagmakaawa pa sa asawa na siya ay huwag tuluyang ipakulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi rin lubos-maisip ng batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo ang kakaibang reklamo ng isang overseas Filipino worker (OFW) na idinulog sa kanyang programa.

Mangiyak-ngiyak ang OFW na si Joel Disoacido nang isumbong kay idol Raffy ang pangangaliwa ng kanyang misis na si Charlin Disoacido nang dalawang beses.

Matindi! Raffy Tulfo, windang sa pangangaliwa ni misis na may 2 kabit

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Babaeng nahablutan ng cellphone, binigyan ng bagong iPhone ng kanyang amo

Ayon kay Joel na kasalukuyang nasa Japan, labis-labis na kahihiyan ang kanyang nadarama matapos kumalat ang eskandalong kinsangkutan ng kanyang misis na nasa Cebu.

Batay sa reklamo, napag-alaman ito ni mister nang kumalat ang balita dahil na rin sa selos ng unang naging kabit ni misis.

Ang isa sa mga kabit ni misis na si Ronald Mayor, sinabing gumanti ang isa pang lalaki ni Charlin dahil sa selos nito sa relasyon nilang dalawa.

Si Charlin naman ay aminado sa malaking kasalanan na kanyang nagawa at handa raw ibigay ang lahat ng kagustuhan ng mister.

Anito, nagkaroon na sila ng pag-uusap ni Joel at nagkasundo na rin. Laking gulat na lang daw niya na humantong na pala ito sa programa ni Tulfo.

Pero si Joel, nagmatigas na at desididong ipakulong ang kanyang asawa at mga kabit nito na mahaharap sa patong-patong na kaso.

Ganunpaman ay sinubukan pa rin ni Charlin na magmakaawa kay Joel at umiiyak na humingi ng tawad. Pero naging bato na ang lalaki sa pakiusap nito.

Lupit! OFW, naiyak sa harapang pag-amin ni misis na naanakan ni Kap

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW din ang lumapit kay Tulfo para ireklamo ang mister na nakabuntis din ng iba, pero si mister may resbak din dito!

Habang isa namang OFW ang umiyak na lamang nang harapang umamin ang kanyang misis na naanakan ito ng isang kapitan!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel