Lupit! OFW, naiyak sa harapang pag-amin ni misis na naanakan ni Kap

Lupit! OFW, naiyak sa harapang pag-amin ni misis na naanakan ni Kap

- Naiyak na lamang ang isa nating kababayang OFW matapos harapang umamin ang kanyang misis na naanakan ito ng kanilang barangay chairman

- Ayon sa nagrereklamong si Elmer Limpiado, OFW sa Jeddah, September 21 lang nang mapag-alaman niya ang balita tungkol sa pagdadalang-tao ng misis

- Makalipas ang ilang araw ay nabalitaan naman niyang nanganak na nga ito

- Inamin naman mismo ng dalawa sa programa ni Raffy Tulfo ang kanilang nagawang pagkakamali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na sakit ang naramdaman ng kababayan nating overseas Filipino worker (OFW) na si Elmer Limpiado nang dumulog ito sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang asawa nito.

Ayon sa reklamo ni Elmer na kasalukuyang nasa Jeddah, Saudi Arabia, nabuntis ng kapitan sa kanilang lugar sa Bataan ang kanyang misis na si Annie Limpiado.

Bangkay ng 23-anyos na transgender, natagpuang lumulutang sa ilog
Lupit! OFW, naiyak sa harapang pag-amin ni misis na naanakan ni Kap

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Inamin naman ito ni Chairman Rolando Martinez nang makapanayam ito ni idol Raffy. Kwento nito, isang beses lamang naman daw may nangyari sa kanila ni Annie at wala silang relasyon.

Harapan din itong inamin ni Annie at sinabing matagal na raw silang walang komunikasyon ng mister at maging ito ay mayroon umanong ibang babae.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mariin naman itong itinanggi ni Elmer. Sabi pa nito, sobrang hirap ang kanyang nadarama habang nasa ibang bansa dahil hindi raw niya nakakausap ang kanyang pamilya.

Sa kabila nito ay patuloy naman daw siyang nagpapadala sa pamilya. Kaya naman napakasakit para rito na madiskubreng nabuntis ng ibang lalaki ang kanyang asawa.

Iginiit din nito na maayos naman daw silang dalawa nang siya ay umuwi noong nakaraang taon. Pero nagiging malamig daw si misis kapag siya ay nasa ibang bansa at nagcha-chat lamang kapag kailangan na nito ng kanyang padala.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Samantala, ayon kay Atty. Garreth Tungol, pwedeng kasuhan sina Annie at si Kapitan Rolando ng adultery.

Bukod dito ay maaari ring matanggal sa kanyang posisyon si Kap Rolando dahil sa pangyayari.

Dahil sa labis na sakit at epekto sa kanilang mga anak ay nais magsampa ni Elmer ng kaso laban sa dalawa.

Nangako naman ng tulong si idol Raffy Tulfo para sa naagrabyadong OFW.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW din ang lumapit kay Tulfo para ireklamo ang mister na nakabuntis din ng iba, pero si mister may resbak din dito!

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Samantala, isa namang mister na dumulog sa programa ni idol ang hindi "nakapagpigil" on air!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel