Mister na nabuntis si kabit, dumepensa; Misis, may "daddy" naman daw

Mister na nabuntis si kabit, dumepensa; Misis, may "daddy" naman daw

- Matindi ang salpukan ng mga salita sa pagitan ng mag-asawang Jacqueline at Rommel Dela Cruz nang magharap ang mga ito sa programa ni Raffy Tulfo

- Nag-ugat ang away ng dalawa matapos malaman ni misis na isang OFW, na may kinakasama na palang iba ang mister

- Kaya naman desidido raw si misis na sampahan ng kaso ang mga ito lalo pa at nadiskubre niyang buntis na ang babae ni mister

- Pero depensa ni mister, si misis daw ang unang nangaliwa at ang lalaki nito ay ang mismong pinsan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matindi ang salpukan ng mga salita sa pagitan ng mag-asawang Jacqueline at Rommel Dela Cruz nang magharap ang mga ito sa programa ni Raffy Tulfo kamakailan lang.

Nagsimula ito nang idulog ni misis na isang OFW, ang reklamo laban kay mister na nalaman nitong may kinakasama na palang iba.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo
Mister na nabuntis si kabit, dumepensa; Misis, may "daddy" naman daw

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon kay Jacqueline, ang alam niya ay maayos silang dalawa ng asawa at regular pang nagpapadala rito hanggang sa malaman niya ngang may ibang babae na ito.

Ang masaklap pa ay nadiskubre niyang nabuntis na pala ni mister ang kabit nito.

Kaya naman desidido si misis na sampahan ng kaso ang dalawa.

Pero depensa ni mister, nauna raw mangaliwa ang kanyang misis. Napag-alaman daw nito na dalawang linggo pa lamang silang kasal ay may iba na itong ka-chat.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At ang lalaking ito ay pinsan niya pa. Ayon kay Rommel ay may mga chat pa raw ang dalawa kung saan sinasabing nag-i love you ang mga ito sa isa't isa at tinatawag pa raw ni Jacqueline na "daddy" ang lalaki.

Paglalahad pa ni Rommel ay napilitan lamang siyang pakasalan si Jacqueline noon dahil sa mga kamag-anak nito.

Nurse na inahas ang mister ng pasyente niya, posibleng may kalagyan na

Giit pa nito, ang ipinapadala nito sa kanya ay ibinabayad lang din niya sa mga utang na naiwan ng asawa sa Pilipinas at ipinapadala sa pamilya nito. Mayroon man daw siyang nakukuha ay maliit na halaga lamang.

Samantala, bagamat inamin ni misis na naka-chat nga niya ang sinasabing lalaki niya ay itinanggi naman nito na mayroon silang relasyon.

Hindi rin daw totoo na napilitan lamang si Rommel na pakasalan siya.

Sinubukan naman silang pag-ayusin ni idol Raffy ngunit tila mainit pa ang dalawang panig at handang kasuhan ang isa't isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Anak, inirereklamo ang ama na ginawang kabit ang kanyang misis

Kamakailan ay isang OFW din ang lumapit kay idol para ireklamo ang kanyang ex-BF na tinulungang nitong makalaya ngunit sa iba umano umuwi.

Isa namang mister ang hindi kinaya ang nadiskubreng relasyon umano ng kanyang misis at pinasan nito!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel