Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

- Humingi na ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo ang kilalang Pinay Vlogger na i Toni Fowler

- Ito ay kaugnay sa mga fake accounts na pilit na kinukuha ang kanyang mga videos para magamit sa kanilang page

- Dumating na sa puntong tila mas malaki na ang views ng fake accounts kumpara sa Official YouTube Channel ni Toni

- Dahil dito, apektado na ang kanyang kinikita lalo pa at ito lamang ang kanilang pinagkakakitaan nila ngayong panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Toni Fowler (Photo from Toni Fowler's Facebook)
Source: Facebook

Emosyonal na dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo ang kilalang Pinay Vlogger na si Toni Fowler

Nalaman ng KAMI na dumarami na ang fake accounts ni Toni dahilan para siya ay maalarma lalo na at hindi agad ito mabura at mabigyan ng aksyon.

Kwento ng vlogger, dumating na sa puntong mas malaki na ang views ng fake acounts kaysa sa mga sarili niyang video kaya naman labis na siyang naaapektuhan.

Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

Makailang beses na niya itong nai-report subalit hindi agad nabibigyan ng karampatang aksyon.

Ang ilan, mawawala pansumandali ngunit ibinabalik din. Ang ilang fake accounts naman niya ay nagpapalit lamang ng pangalan at patuloy pa rin sa pagbabahagi ng kanyang mga videos.

Dahil dito, aminadong apektado na rin ang kanyang kinikita lalo na at ngayong panahon ng pandemya, ang pagba-vlog lamang ang pinagkukunan nila ng panggastos ng kanyang pamilya.

Masakit din umano sa kanyang kalooban na pinaghihirapan niya ang mga content ng vlogs niya at minsan ay siya pa mismo ang nag-e-edit tapos iba lamang ang makikinabang.

Si Tulfo, bilang isa ring YouTuber, ay nagbigay ng payo kay Fowler sa kung ano ang maari niyang gawin upang agad na matanggal ang mga fake pages at accounts na 'nagnanakaw' ng mga videos ni Toni.

Mula pa raw mismo ito sa YouTube sa America kaya naman subok nang magagawan ng aksyon ang pangyayaring ito na nangyari rin pala mismo sa mga videos ni Tulfo.

Taho vendor, hinangaan sa pagbibigay ng libreng taho sa nadaanang palaboy

Ang opisyal na Facebook page ni Toni Fowler ay mayroon nang mahigit 2 million followers habang ang kanya namang YouTube channel na Mommy Toni Fowler ay may 3.64 million subscribers.

Narito ang kabuuan ng episode tungkol kay Toni Fowler:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Kilala si Raffy Tulfo hindi lamang sa agarang pagtulong niya sa mga ordinaryong mamamayan kundi maging sa mga kilalang personalidad sa bansa.

Kamakailan ay nasubaybayan ni Tulfo ang kalagayan g dating action star na si John Regala na nag-viral dahil sa paghingi umano niya ng saklolo sa dinaramdam niyang sakit na liver cirrhosis.

Hanggang sa siya ay makauwi ng bahay matapos ang gamutan sa ospital at maging ang pagdiriwang niya ng kaarawan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay, nakaalalay si Tulfo sa kanya sa anumang uri ng tulong na maari niyang maibigay.

Amang nag-barter ng manok kapalit ng gadget para sa online class ng anak, na-scam

Si Raffy ay kapatid nina Ramon, Ben at Erwin na pawang mga kilalang batikang broadcast journalist sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel