Magsasakang PWD, natulungan matapos mag-viral ang mga larawan
- Naabutan ng tulong ang nag-viral na magsasakang may kapansanan
- Sa kabila kasi ng kanyang sitwasyon, matiyaga pa rin itong naghahanapbuhay sa bukid para maitaguyod ang 83-anyos na ina
- Wala na silang ibang inaasahan lalo na at ang kanyang kapatid ay nasa Maynila
- Naluha talaga ang magsasaka nang matanggap ang tulong at maging ang mga nakakikilala sa kanya ay naluha sa galak dahil sa mga biyayang natanggap nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang magsasakang may kapansanan sa Aklan ang nag-viral ang mga larawan dahil sa inspirasyong hatid nito sa marami.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ito ng nagmalasakit na nilang kababayan na nakunan mismo siya ng larawan habang nagtatrabaho sa sakahan.
Ibinahagi ito ng netizen na si Yuberly at sinabing naawa siya kalagayan ng magsasakang si Danilo at nais niya itong matulungan.
Dahil dito, nakapukaw ito sa atensyon ni "Pobreng Vlogger" na si Archie Hilario kaya naman sinadya nila ang kinaroroonan ni Danilo.
Nakamamanghang marami ang humahanga sa kasipagan ni Danilo sa kanilang lugar. Tulad ni Yuberly, marami ang nagmamalasakit kay Danilo lalo na kung dumarating ang panahon na wala itong kinikita kaya wala rin silang makaing mag-ina.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang isa namang kasama nito sa pagsasaka ay naluha rin dahil sa wakas ay matutulungan daw ang kanyang kaibigang bata pa lamang nang dapuan ng polio..
Sa kabila ng hirap na dinaranas, kapansin-pansin ang pagiging masayahin at pagkakaroon nito ng maaliwalas na pananaw sa buhay.
Maging si Hilario ay napansin ang awra na ito ni Danilo kaya naman nararapat daw talaga itong mabiyayaan.
Nabigyan si Danilo ng isang sakong bigas at ilang grocery items mula sa "Pobreng Vlogger." Binigyan din siya ng limang libong piso upang mayroon silang panggastos ng kanyang ina.
Hindi napigilang maluha ni Danilo sa biyayang kanyang natanggap at nagpasalamat sa mga tumulong sa kanya.
Nangako rin si Hilario na babalik muli sila upang makita ang kalagayan ng ina ni Danilo na siyang dahilan ng pagsusumikap nito.
Mangangalap din umano sila ng iba pang tulong na maaring maibigay sa masipag na magsasaka.
Narito ang kabuuan ng video:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kilala si Archie Hilario sa Aklan bilang si "Pobreng Vlogger" na nagpapaabot ng tulong sa mga kababayan nilang kapos-palad.
Bukod sa pamimigay ng tulong pinansyal at mga grocery items, mayroon din silang natulungan na magkaroon ng sariling tahanan dahil sa sira-sira na talaga ang sinisilungan ng mga ito.
Marami nang natulungan ang kanilang YouTube channel at patuloy pa rin sila sa pagsasagawa ng kabutihang ito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh