"Ang saya-saya ni Lloyd," BFF ni Lloyd Cadena, ibinahagi ang panaginip

"Ang saya-saya ni Lloyd," BFF ni Lloyd Cadena, ibinahagi ang panaginip

- Isang magandang panaginip tungkol sa namayapang vlogger na si Lloyd Cadena ang ibinahagi ng isa sa mga matalik na kaibigan nito

- Sa isang Instagram post, sinabi ni Madam Aivan na napanaginipan niya sa kauna-unahang pagkakataon si Lloyd mula nang pumanaw ito

- Aniya, isang masayang Lloyd ang kanyang nakita at nagpapasalamat siya dahil dito

- Hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin daw ang hindi makapaniwala sa biglaang pagpanaw ng isa sa mga kinagigiliwang Pinoy YouTuber

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang masayang Lloyd Cafe Cadena ang nakita ng isa sa kanyang mga matalik na kaibigan na si Madam Aivan, sa panaginip nito.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Madam Aivan na napanaginipan niya sa kauna-unahang pagkakataon si Lloyd mula nang pumanaw ito.

"Ang saya-saya ni Lloyd," BFF ni Lloyd Cadena, ibinahagi ang panaginip

Photo from Lloyd Cafe Cadena Facebook page
Source: Facebook

Aniya, isang masayang Lloyd ang kanyang nakita at nagpapasalamat siya dahil dito.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"First time kong managinip kagabi kay mars Lloyd. Hindi ko maalala yung exact na ganap basta nasa mataas na building daw kami tapos mag tatakip-silim na kasama si ate Süzette, ilang BNTs tapos ang saya saya ni Lloyd. Yung tumatawa siya na umuuga pati balikat. Hindi ko maalala kung bakit pero ang saya niya.
"Mare, salamat sa pagdalaw sakin sa panaginip. Miss na miss na namin. Palagi mo kaming gagabayan. Mahal ka namin," ani Madam Aivan.

Nito lamang September 22 nang alalahanin ng mga nagmamahal sa kanya ang kaarawan ni Lloyd.

Ang bestfriend nito na si Madam Ely ay ipina-tattoo pa ang sinasabing "legendary icon" ni Lloyd.

Hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa ring mga Pinoy netizens ang nagsasabing hindi pa rin sila makapaniwala sa biglaang pagpanaw ng isa sa mga kinagigiliwang YouTuber sa bansa.

Chie Filomeno, ipinaliwanag kung bakit siya umaalma sa mga bashers

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala si Lloyd Cafe Cadena sa mundo ng YouTube dahil sa kanyang mga nakakatuwa at nakakaaliw na vlogs. Isa rin itong Author at radio disk jockey.

Pumanaw si Lloyd noong September 4, 2020 sa edad na 26 dahil sa cardiac arrest. Bago nito ay nag-positibo ito sa COVID-19 ayon sa pahayag ng pamilya nito.

Bago ang kanyang biglaang paglisan ay nagawa pa ngang tumulong ni Lloyd sa ilang estudyante sa kanilang lugar at namahagi ng mga tablets para sa online class.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel