Magkapatid, magkasunod na inulila ng tatay at nanay nila ngayong taon

Magkapatid, magkasunod na inulila ng tatay at nanay nila ngayong taon

- Nakakalungkot ang sinapit ng isang magkapatid na magkasunod na inulila ng kanilang mga magulang ngayong taon

- Mayo nang mamatay ang ina ng mga ito dahil sa isang malubhang sakit

- Makalipas ang apat na buwan nang sumunod namang pumanaw ang kanilang ama

- Bumuhos naman ang pakikiramay para sa magkapatid at mabilis na nag-viral ang kanilang istorya sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala na ngang mas sasakit pa para sa isang anak ang maulila sa magulang na siyang gabay natin sa buhay.

Kaya naman nakakalungkot na isang magkapatid ang maagang naulila ng kanilang ama at ina sa kanilang mura pang edad.

Magkapatid, magkasunod na inulila ng tatay at nanay nila ngayong taon

Photo from Above the Law
Source: UGC

Sa Facebook post ng netizen na si Justin David Lagman, ibinahagi nito ang mapait na pangyayari sa kanilang buhay ng nakababatang kapatid.

Mayo ngayong taon nang pumanaw ang kanilang ina dahil sa malubhang sakit.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

"Ma sobrang hirap kasi wala ka na, ma di ako sanay ng ganto kasi sanay ako na nandyan ka sa tabi ko, pero naiintindihan ko naman kasi sobrang hirap ng sitwasyon mo 3yrs ago," sabi ni Justin sa kanyang FB post noong ika-21 ng Mayo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Apat na buwan lang ang lumipas nang ang ama naman nila ang biglaan ding pumanaw.

"Pa kakawala lang ni mama nung May, tapos ikaw naman ngayon pa? Ang daya mo naman e bat sumama ka na agad kay mama grabeng hirap kasi nga wala na kayong dalawa, kasi wala na akong tatay at nanay alam kong di nyo to ginusto pero siguro nga may Plano si God," malungkot na pahayag ng binata sa pagpanaw ng ama.

Bagamat mahirap lalo na para sa batang katulad ni Justin, ay pinipilit daw nitong maging matatag alang-alang sa kanyang kapatid.

25-anyos na call center agent, nakapagpundar na ng bahay sa loob ng apat na taon

Maging ang mga netizens ay ramdam din ang lungkot sa istoryang ito ng magkapatid na pumukaw sa damdamin ng marami.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan lang ay nag-viral din ang isang post tungkol sa isang musmos na magkasunod ding naulila ng kanyang ama't ina.

Maraming netizens ang talaga namang nahabag sa sinapit ng bata na wala pang kamalay-malay sa pangyayaring ito sa kanyang buhay.

Isang sundalo naman ang nag-iwan ng nakakaiyak na mensahe para sa kanyang minamahal. Inulila nito ang asawa at bata pang anak.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel