25-anyos na call center agent, nakapagpundar na ng bahay sa loob ng apat na taon
- Hinangaan ng marami ang isang call center agent na nakapagpundar na ng sarili niyang bahay
- Sa edad na 25, hawak na niya ang susi ng tahanang matatawag niyang sa kanya'- Katas daw umano ito ng ilang gabi niyang pagpupuyat sa loob ng apat na taon
- Ibinahagi niya ang mga karanasan kung paanong ang pagiging isang call center agent ay nakapagpayabong sa kanyang pagkatao
- Magsilbing insprasyon daw ang karanasan niyang ito upang ipagpatuloy din ng mga tulad niya ang pag-abot ng pangarap dahil kung kinaya nga raw niya, kaya rin daw ito ng iba
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang napabilib ng isang 25-anyos na call center agent na makalipas lamang ang apat na taon sa kanyang trabaho ay nakapagpundar na siya ng sariling bahay.
Nalaman ng KAMI na edad pa lang daw na 22 nang pangarapin ni Sam Blanca ang bahay na kanyang nakamit ngayon.
"Just wanna share my experiences kung ano ang naipundar 'ko for 4 years working in this industry. Mabuhay mga bayaning puyat!" pahayag ni Sam.
Bagaman at nagpalipat-lipat siya ng mga kompanya, nagbunga pa rin naman ng maganda ang kanyang mga sakripisyo.
Umabot siya sa limang kompanya at aminado siyang lahat naman ng mga pinasukan niyang ito ay nakatulong sa pagpapayabong ng kanyang pagkatao.
At dahil sa loob ng apat na taon ay nakaapat na kompanya na siya, ipinangako raw niya sa kanyang sarili na iyon na ang huling kompanyang kanyang pagsisilbihan.
"Omega means end. Pinangako ko sa sarili ko na ito na ang huling kumpanyang papasukan ko sa industriyang ito," aniya.
Makikita sa larawan ang kanyang ngiti na mababakas ang kasiyahang nakamit dahil sa mabilis na panahon, mayroon na siyang naipundar at masasabi niyang sa kanya.
Sa lahat ng kanyang pinagdaanan, wala raw talagang madali sa mga iyon. Marami rin siyang pinagdaaanang pagsubok ngunit wala naman daw rason para bumitaw.
Magsilbing inspirasyon daw ang kanyang kwento ng tagumpay na ito dahil kung kinaya raw niya, alam niyang kakayanin din ng iba.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Masasabing maswerte si Sam dahil bukod sa maaga niyang pagkamit ng isa sa kanyang gma pinapangarap, hindi na niya kinakailangang mangibang-bansa para lamang makamit ito.
Subalit hindi rin naman matatawaran ang pagsusumikap at pagpupunyagi ng ilang mga kababayan nating OFW na unti-unting nai-aahon ang estado ng kanilang pamumuhay at nakapagpupundar din ng mga ari-arian dahil sa paga-abroad.
Ang ilan, tulad ni Sam ay maaga ring nakikita ang bunga ng kanilang pagsusumikap na siyang alay nila sa kanilang pamilya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh