Vlogger na di umano'y tinawag na retokada si Xyriel Manabat, nag-sorry

Vlogger na di umano'y tinawag na retokada si Xyriel Manabat, nag-sorry

- Agad na nag-sorry ang isang vlogger na aminadong nagamit ang pangalan ng ngayong kontrobersyal na young actress na si Xyriel Manabat

- Ito ay matapos na tawagin niyang 'retokada' ang aktres at sinasabing siya umano mismo ang dahilan kung bakit siya nababastos ng mga kalalakihan

- Ilang oras matapos na ma-post sa channel ng vlogger ang kanyang video ay kapansin-pansin na binura na niya ito ay agad na nag-sorry

- Tinatanggap umano niya ang kanyang pagkakamali at makakaasa raw ang publiko na hindi na ito mauulit muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Vlogger na di umano'y tinawag na retokada si Xyriel Manabat, nag-sorry

Kc Ele (Photo from Kc Ele's Facebook)
Source: Facebook

Humingi na ng kapatawaran ang vlogger na si Kc Ele na umaming nagamit niya ang pangalan ni Xyriel Manabat upang mapunta lamang ang netizens sa kanyang page.

Nalaman ng KAMI na inakusahan ni Kc Ele na isang retokada si Xyriel matapos na kumalat ang mga larawan nito ngayong 16 taong gulang na siya.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Ayon pa kay KC Ele sa video na nai-post niya sa kanyang YouTube channel, si Xyreil daw umano ang dahilan kung bakit 'nababastos' umano siya ng mga kalalakihan.

Dapat lamang daw na ang young actress ang 'mag-adjust' sa kanyang pananamit upang maiwasan ang mga di magagandang komento lalo na ng mga lalaki.

Subalit hindi natuwa ang mga netizens sa komentong ito ng vlogger kaya naman agad nilang dinipensahan ang aktres.

Kahit pa nag-viral, mapapnsing binura na ito ni KC Ele at naglabas ng video kung saan naman siya nag-sorry kay Xyriel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"Gusto ko lang pong mag-sorry about the video na pinost ko because I used Ms. Xyriel Manabat para i-clickbait and para mapunta yung mga viewers dun sa channel ko, sa video ko"

Aminado si Kc sa kamaliang nagawa at handa raw siyang harapin ang mga "consequences" nito.

Magkapatid na lolo at lola na asukal na lang ang inuulam, dinagsa ng tulong

Alam din daw niyang isang sensitibong topic ang kanyang naibahagi at hindi na rin daw niya naisip ang magiging reaksyon o pakiramdam ni Xyriel sa kanyang mga nasabi.

Siniguro naman niyang hindi na rin niya ito muling gagawin pa kaninoman.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Si Xyriel Manabat ay isa sa mga produkto ng Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol kung saan nakamit niya ang ikatlong pwesto noong 2009.

Ngunit, mas nakilala ang batang aktres sa pagganap niya bilang si Momay sa 100 Days to Heaven kasama si Connie Reyes.

Makalipas ang ilang taon, nagulat na lamang ang mga netizens nang makitang dalaga na ito at nakapagtapos na rin ng high school kamakailan.

Naging kontrobersyal man dahil sa kanyang mga larawang naibahagi sa social media, marami pa rin ang natuwa dahil nakita nila muli ang dating child star.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel