Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

- Ibinahagi na ng Raffy Tulfo in Action ang kaganapan sa pagbisita ng paranormal expert na si Ed Caluag

- Ito ay kaugnay sa mga sunod-sunod na kababalaghang nagaganap sa ilang episode ng naturang programa

- Maging ang co-host ni Tulfo na si Sharee Roman ay naramdaman ang lungkot at bigat na ipinadarama ng 'babae' na nasa kanilang opisina ayon kay Caluag

- Naibigay din ang pangalan ng babae na di umano'y humihingi ng tulong sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

Ed Caluag (Photo from Ed Caluag's official Facebook page)
Source: Facebook

Pinaunlakan ni Ed Caluag ang imbistasyon sa kanya ni Raffy Tulfo upang masuri ang mga kababalghang nangyayari sa 'Wanted sa Radyo' kamakailan.

Ito ay matapos na makailang beses na nakarinig ang mga netizens ng mga bumubulong di umano sa mga live episodes ng nasabing programa.

Nalaman ng KAMI na agad nila itong pinasuri sa mga eksperto at isa na rito si Caluag.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Ayon sa kilalang paranormal investigator, pagpasok pa lamang niya sa gusali ng opisina ni Tulfo ay nakasalubong na umano niya ang isang babae na 80's pa ang isitilo ng pananamit.

Mabigat daw ito sa pakiramdam at nakararamdam daw siya ng labis na kalungkutan dahil umano sa presensya ng babaeng ito.

Maging ang co-host ni Raffy Tulfo na si Sharee Roman ay naramdaman din ang matinding kalungkutan.

Sinabi pa ni Sharee na hindi niya maipaliwanag ang biglaang kalungkutang kanyang naramdaman at iyon ay dahil sa naroon umano ang presenya ng babae ayon kay Caluag.

Dahil dito, siya ang naging daan ni Caluag upang maipaliwanag pa ang mga nais na ipahiwatig ng babaeng ito.

Nang pumikit si Sharee, doon na niya idinetalye ang di umano'y ipinakikita sa kanya ng babae.

Nasa isang kwarto raw ito na may iniilaganang lalaking naka-maong at may kalakihan ang katawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

May hawak din umano itong sinturon na maaring dahilan ng pag-ilag ng babae.

Itinaas pa raw umano nito ang kanyang kamay na animo'y humihingi ng saklolo at gustong lumaya.

Naluha ang co-host ni Tulfo sa nangyari lalo na at first time daw niya itong maranasan. Hindi rin daw ito naniniwala noong una subalit hindi rin niya maipaliwanag ang naramdaman at nasaksihan.

Maging si Tulfo ay hindi rin daw naniniwala noong una subalit habang isinasagawa ni Caluag ang ilan niyang ritwal, nakita mismo ni Tulfo na gumalaw ang dalang bag ng paranormal expert.

Pinatingnan pa niya ang bag na dala nito upang masuri ang laman na posibleng dahilan ng paggalaw nito.

Samantala, nakuha rin ni Caluag ang pangalan ng babae na si Rosalia V. Estejo at paulit-ulit daw umano nitong binibigay ang petsang Setyembre 9, 1988 na pinaniniwalaan nilang araw ng kamatayan nito.

Narito ang kabuuan ng part 2 ng pagbisita ni Caluag sa RTIA:

Audio Engineer, sinabing boses ng babae ang mga 'bulong' sa ilang video ng RTIA

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang sunod-sunod na bulong na naririnig kamakailan sa mga video ng Raffy Tulfo in Action, ipinasuri na nila ito sa mga eksperto.

Bukod kay Caluag, inimbitahan din nila si Ana dela Cruz na sumuri rin sa lugar kung nasaan ang pansamantalang opisina ng programa ni Tulfo.

Ipinasuri rin nila ang mga video sa batikang sound engineer upang mabigyan paliwanag ng siyensya ang mga 'bulong na naririnig sa ilang videos nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel