Ana Dela Cruz to Raffy Tulfo: "Babae po yung bumubulong sa videos"

Ana Dela Cruz to Raffy Tulfo: "Babae po yung bumubulong sa videos"

- Bumisita na ang paranormal expert na si Ana Liza Dela Cruz sa programa ni Raffy Tulfo

- Katunayan, halos pareho sila ng napag-alaman ni Ed Caluag patungkol sa tila gumagambala sa opisina ng programang 'Wanted sa Radyo'

- Napaaamin pa umano ni Ana Liza ang sinasabing 'babae' na siyang bumubulong sa mga videos ng ilang episodes ng programa

- Tila nakaka-relate daw ang 'babaeng' ito sa mga nagsusumbong kay Tulfo na hindi raw nalalayo sa nangyari sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ana Dela Cruz to Raffy Tulfo: "Babae po yung bumubulong sa videos"
Ana Liza Dela Cruz (Photo from Ana Liza Dela Cruz Facebook)
Source: Facebook

Inilapit na ni Raffy Tulfo sa mga paranormal investigators ang ilang kababalaghang nagaganap sa kanilang opisina kamakailan.

Nalaman ng KAMI na bukod kay Ed Caluag, inimbitahan din ng 'Wanted sa Radyo' si Ana Liza Dela Cruz upang makilatis ang opisina kung saan di umano nakukuha ang mga 'bulong' sa tuwing live ang programa.

Read also

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Ayon kay Ana, Agad niyang nasalubong ang babaeng nananatili sa opisina ng RTIA.

Malungkot at mabigat daw ang pakiramdam sa gusali na animo'y mayroon daw na naitapong bangkay doon.

Sinabi rin nitong isang negatibong tao na matatakutin ang siyang nagsama sa babaeng ito at ang tinutukoy niya ay si Sharee Roman na co-host ni Raffy Tulfo sa programa.

Matatandaang si Sharee rin ang naging daan upang maipaalam ng babae kay Ed Caluag ang kanyang sinapit.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Biktima raw ng panggagahasa ang babaeng ito na dating nagtatrabaho sa isang carinderia.

"Ilalaban ko ang karapatan ko," ang paulit-ulit daw nitong sinasabi ayon kay Ana.

Pinatanong din ni Tulfo kung ang babaeng ito nga ba ang maririnig na bumubulong sa ilang videos ng 'Wanted sa Radyo'.

Sinabi raw nito na siya iyon at tila nakaka-relate ito sa mga dumudulog sa programa at humihingi ng hustisya.

Read also

Raffy Tulfo, naluha sa kasal ng anak na si Maricel at ni Atty. Garreth Tungol

"Opo siya daw po, lalo na 'pag ipinaglalaban ang sariling katarungan. Parang nakaka-relate lang po siya sa nangyari sa kanya," pahayag ni Ana.

Sa mikropono raw ni Sharee ito nagsasalita sa mga videos kung saan narinig ang mga bulong.

Nabanggit din nito ang pangalan "Boy" na hinihinalang gumawa ng di maganda sa kanya.

Hindi nakuha ni Ana ang pangalan ng babae at sinabing nakukulitan daw ito kay Tulfo dahil sa dami ng tanong nito.

Tinanong din ng host kung ano ang maitutulong niya sa babae ngunit hindi na nila ito napilit na magbigay pa ng ibang impormasyon.

Sa naturang episode din, ipinakitang nag-alay ng pagkain ang programa sa tulong na ri ng misis ni Tulfo na si Congresswoman Jocelyn Tulfo.

Pinabasbasan na rin nila ang opisina upang madasalan na rin at tuluyan nang manahimik ang entity na ito na nagpaparamdam sa mga staff ng RTIA.

Narito ang kabuuan ng pagbisita ni Ana Liza Dela Cruz sa 'Wanted sa Radyo':

Read also

Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalaghan sa opisina ni Tulfo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang bumisita sa programa si Ed Caluag at nakuha nito ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa di umano'y babaeng gumagambala sa pansamantalang opisina ng RTIA.

Ang nakakikilabot pa rito, hindi nalalayo ang natuklasan ni Caluag sa mga nakita rin at nalaman ni Dela Cruz.

Ang dalawa ay mga kilalang paranormal investigator sa bansa na madalas ma-imbita ng programang 'Kapuso mo, Jessica Soho'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica