Raffy Tulfo, naluha sa kasal ng anak na si Maricel at ni Atty. Garreth Tungol

Raffy Tulfo, naluha sa kasal ng anak na si Maricel at ni Atty. Garreth Tungol

- Ibinahagi na ng anak ni Raffy Tulfo na si Maricel ang video ng kanilang civil wedding ni Atty Garreth Tungol

- Sa video, mapapansing napaluha ang kilalang broadcast journalist at host ng 'Wanted sa Radyo'

- Ginanap ang kasalang ito noong Setyembre 20 na dinaluhan lamang ng malalapit na tao sa mga ikinasal

- Matatandaang, natuwa si Atty. Garreth sa programa ni Tulfo nang tawagin na siya ng host na 'son-in-law' sa kanilang programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, naluha sa kasal ng anak na si Maricel at ni Atty. Garreth Tungol

Family photo (Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook)
Source: Facebook

Nahagip ng video ang pagluha umano ni Raffy Tulfo sa kasal ng kanyang unica hija na si Maricel Tulfo-Tungol.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi na ni Maricel o mas kilala sa tawag na Mar sa kanyang vlog ang video ng civil wedding nila ng kilalang abogado ng 'Raffy Tulfo in Action' na si Atty. Garreth Tungol.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Dinaluhan lamang ito ng malalapit na tao sa dalawa bilang pagsunod sa mga safety protocols at nasa ilalim pa rin ng general community quarantine ang Metro Manila.

Bakas ang labis na kasiyahan sa dalawa sa sinasabi pinakahihintay na araw nila.

Maging ang ama ni Mar na kilalang broadcast journalist at sumbungan ng bayan na si Raffy Tulfo ay napapunas ng luha sa kagalakan na ikinasal na ang kanyang babaeng anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naibahagi rin sa naturang video na isa rin pa lang abogado ang ama ni Atty. Garreth habang ang ina naman niya ay isang doktor.

Inamin din ng mister ni Mar na sa una'y nangilag siya sa apelyido pa lang nito, ngunit nang lubos na niya itong nakilala, naramdaman niyang ito na nga ang babaeng kanyang ihaharap sa altar.

Mapapansin ding nabiyayan na sila ng supling sa sinapupunan kaya naman bukod sa sayang nadarama sa kasalan, labis na rin silang nae-excite sa paglabas ng kanilang baby.

Ana Dela Cruz to Raffy Tulfo: "Babae po yung bumubulong sa videos"

Narito ang kabuuan ng napakagandang kasalan nina Maricel at Atty. Garreth na sa kabila ng pandemya ay naisakatuparan pa rin nila.

Kamakailan, di naiwasang mapangiti ng seryosong abogado ng Wanted sa Radyo na si Atty. Garreth Tungol nang tawagin na siyang son-in-law ng kanyang "sir Raffy".

Maraming netizens ang nagsasabing magandang tandem daw ang dalawa pagdating sa pag-aksyon sa mga sumbong ng naa-agrabyado nating mga kababayan.

Sina Raffy Tulfo at Atty. Garreth Tungol ay parehong bahagi ng programang 'Wanted sa Radyo.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel