Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

- Posibleng makasuhan at makulong ng hanggang 10 taon ang isang pamilya na nag-viral matapos nilang pagtulungan ang isang nurse

- Ito ay ayon kay Atty. Garreth Tungol, abogado sa programa ni Raffy Tulfo, kung saan idinulog ng pamilya ang kanilang reklamo

- Base kay Atty. Garreth, nakasaad sa Bayanihan Law ang pagbabawal sa diskriminasyon sa ating mga frontliners

- Napag-alaman din na na-stroke ang isang tao sa barangay ng mga ito na kasama ng frontliner matapos ang insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Posibleng makasuhan at makulong pa nang hanggang 10 taon ang pamilya na nag-viral kamakailan matapos bastusin ang isang nurse.

Ito ay ayon sa abogado ng programa ni Raffy Tulfo na si Atty. Garreth Tungol, nang idulog ng pamilya ang kanilang reklamo.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan
Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon kay Atty. Garreth, nakasaad sa Bayanihan Law ang pagbabawal sa diskriminasyon sa ating mga frontliners

Read also

3 estudyante, natagpuang patay; paghihiganti, posibleng motibo

Batay naman sa pahayag ni Christian Carabeo, isa sa mga tao sa viral video at nanigaw sa nurse, nag-ugat ang kanilang galit nang hindi nila nagustuhan ang pagsagot ng nurse nang tanungin nila ito tungkol sa protocol ng gobyerno sa swab testing.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napag-alaman kasi na may miyembro ng pamilya Carabeo ang nag-positibo sa COVID-19.

Ngunit lumipas na raw ang ilang araw ay wala pang nakikipag-ugnayan sa kanila mula sa lokal na pamahalaan o kaya ay sa barangay.

Pero ayon sa barangay chairman ng lugar na si Kapitan Rodel Dacara, marami ang positibo sa virus sa kanilang lugar at inuuna lamang ang mga nauna nang positive cases.

Ginawa naman daw nila ang kanilang responsibilidad bilang opisyal ng barangay at itinangging hindi sila sumagot sa pamilya.

Sumusunod lamang daw sila sa protocol ng LGU.

Read also

Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalaghan sa opisina ni Tulfo

Samantala, ayon kay Dacara, ang tao ng barangay na siyang kumuha ng nag-viral na video ay na-stroke dahil sa insidente.

Dahil dito ay desidido raw itong magsampa ng kaso laban sa pamilya.

Nakiusap naman si idol Raffy kay Dacara na subukang pag-ayusin ang bawat panig.

Handa naman daw ang kapitan na pagharapin ang mga ito at katunayan ay may pag-uusap na nga sana ngunit hindi na muling sumipot ang pamilya Cabareo sa barangay hearing.

Handa rin naman daw ang pamilya na makipag-areglo sa frontliner na kanilang nakuyog at sa tao ng kanilang barangay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa bansa , ilang health care workers na rin ang nag-buwis ng buhay para makapag-serbisyo sa bansa ngayong may pandemya.

Kabilang na rito ang isang 30-anyos na nurse at itinuturing pang low-risk sa COVID-19 na pumanaw kamakailan matapos dapuan ng sakit.

Read also

Intense! Misis, hinarap ang palabang nanay ng kabit ng kanyang mister

Isa ring mag-amang doktor ang magkasunod na pumanaw dahil dito habang sila tumutugon sa mga pasyenteng may virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone