Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalaghan sa opisina ni Tulfo

Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalaghan sa opisina ni Tulfo

- Bukod kay Ed Caluag, isa ring paranormal expert ang inimbitahan ni Raffy Tulfo

- Ito ay upang malaman ang mga bulong na ang mga mismong netizens ang nakarinig sa live episodes ng 'Wanted sa Radyo'

- Ang nakakikilabot pa rito, halos tugma ang mga sinabi ng dalawang naimbitahang paranormal experts

- Napag-alaman din nilang iisa lamang na 'entity' ang sinasabing namamalgi sa opisina ni Tulfo at humihingi ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalghan sa opisina ni Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Matapos na maimbitahan ang kilalang paranormal expert na si Ed Caluag, inimbitahan din ang isa pang kilalang paranormal investigator na si Ana Dela Cruz sa programa ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na nitong mga nagdaang araw, ilang videos ang "Wanted sa Radyo" ang may kababalaghang naganap dahil di umano sa mga boses na sumisingit habang live ang programa.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Dahil dito iminungkahi ng ilang netizens sa kanilang Idol Raffy na i-konsulta sa mga eksperto ang mga bulong na di lamang nila isang beses na naririnig.

Unang ibinigay ang mga sample ng videos sa isang sound engineer upang masuri at mabigyan sila ng paliwanag base sa siyensya kung ano nga ba ang mga narinig sa bulong sa ilang clips.

Sumunod na binahagi ng Raffy Tulfo in Action ang pagdalaw mismo ni Ed Caluag sa opisina kung saan naire-record ang programa.

Nakakuha ng mga detalye si Caluag tungkol sa pangalan ng babae, petsang Setyembre 9, 1988 na pinaniniwalaang araw ng pagkamatay nito at ang posibleng dahilan ng paghingi nito ng hustisya.

Matapos na maimbitahan si Caluag, inimbitahan din si Ana Dela Cruz upang makapagbigay din ng impormasyon sa magiging obserbasyon niya sa lugar.

Kapansin-pansing tila nagkatugma ang mga sinabi ng dalawang paranormal experts na parehong 'babae' ang gumagambala sa opisina ni Tulfo.

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Sinabi rin ni Ana na isa raw itong tindera sa isang kainan na tugma rin sa sinabi ni Caluag na isang waitress sa pansitan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Binigay din ni Ed ang petsang Setyembre 9, 1988 na halos tugma sa sinasabing buwan ni Ana na bago raw magpasko.

At maging ang dahilan ng pagkamatay umano ng 'babae' ay halos pareho sa nakita nina Caluag at Dela Cruz.

Sa ipinakita ng babae kay Sharee Roman, co-host ni Raffy Tulfo na naging daan upang makakalap ng impormasyon si Caluag mula sa 'babae', umiilag daw ito at tila iniiwasan ang isang lalaki na nais siyang saktan.

Ayon naman kay Dela Cruz, biktima raw ng panggagahasa ang babae at itinapon o inilibing ang bangkay nito malapit sa opisina ni Tulfo.

Gayunpaman, sa kabila ng maraming pagkakatulad ng mga sinabi ng dalawang kilalang paranormal experts sa bansa, iniwan pa rin ni Tulfo sa kanyang mga netizens kung maniniwala ang mga ito o hindi sa kanilang mga nakita at narinig.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging usap-usapan ang mga videos ni Tulfo kung saan maririnig ang mga bulong na hindi naman daw umano boses host at co-host nitong si Sharee Roman.

Ngayong naimbitahan na ang dalawang paranormal experts, ang nais na lamang malaman ng mga tagasubaybay nito ay kung ano ang resulta ng pagsusuri ng sound engineer sa mga videos na may "bulong" na isinumite sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel