Audio Engineer, sinabing boses ng babae ang mga 'bulong' sa ilang video ng RTIA
- Matapos na masuri ang ilang video ng 'Wanted sa Radyo', nagbigay na ng pahayag ang kinonsulta nilang sound engineer
- Lumalabas na boses ng isang babae ang nahagip sa ilang videos ni Raffy Tulfo
- Nilinaw ng audio engineer na hindi naman umano ito tumugma sa boses ni Sharee Roman
- Tunog din umano ito ng hanging mula sa aircon na nahaluan ng boses ng babae
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos na maipalabas ang mga video ng pagbisita ng ilang paranormal experts sa programa ni Raffy Tulfo, ibinahagi na rin nila sa "Wanted sa Radyo" ang kinalabasan ng pagsusuri ng isang audio engineer sa di umano'y bumubulong sa ilang episodes ng programa.
Nalaman ng KAMI na masusing sinuri ito ni Mark Yulo, audio engineering consultant at founding president Sound Technology Institute of the Philippines at ipinaliwanag nila ang posibleng pinanggalingan umano ng mga bulong na narinig hindi lamang isang beses sa mga video ng programa ni Tulfo.
Ayon kay Yulo, boses ng isang babae ang mga bulong na narinig. Nahaluan din umano ito ng tunog o hangin ng aircon na tila sumabay sa nahagip na boses ng babae.
Sinabi rin nitong hindi tumugma ang nasabing boses sa boses ni Tulfo, o maging ng kanyang co-host na si Sharee Roman at lalong hindi rin daw ito boses ng mga video editor na lalaki.
Isang paliwanag raw umano sa nangyari ay ang posibleng isang party line ang pumasok gayung kumokontak ang programa sa mga taong kanilang tinatawagan upang makapanayam.
Maari rin daw na ang taong tinawagan nila na dapat na hindi nagsasalita ay may kinausap na kasama lamang ito na siyang nahagip sa video.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nilinaw din ni Yulo na boses ito ng tao at hindi ang inaasahang boses ng anumang nilalang tulad ng pinaniniwalaan ng iba.
Sa kabila ng lahat ng mga pagsusuri ng mga eksperto, hinayaan pa rin ni Tulfo na ang mga manonood ang humusga kung alin ang kanilang pinaniniwalaan.
Narito ang kabuuan ng video:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan ay bumisita rin si Ed Caluag, isang paranormal investigator sa opisina ni Tulfo. Doon, natuklasan niyang isang babaeng nagngangalang "Rosalia Estejo" na sinasabing napaslang noong 1988 ang di umano'y nagpaparamdam at "nagsasalita" pa sa programa ni Tulfo.
Hindi naman nalalayo ang kinalabasan ng pagsusuri ng isa pa ring paranormal expert na si Ana Liza Dela Cruz sa mga natuklasan ni Caluag nang bumisita rin ito sa programa.
Sinasabi niyang isang babae na humihingi ng katarungan sa nangyari sa kanya ang tila 'sumunod' kay Sharee bilang matatakutin daw ito.
Matapos ang pagbisita ng mga ekspertong ito, nag-imbita na rin ng pari ang programa upang mabendisyunan ang opisina.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh