Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

- Isang animo'y imahe ng babae ang nahagip sa isa na namang video ni Raffy Tulfo

- Ito ay matapos na mabalot ng kababalaghan ang opisina ni Tulfo dahil sa mga bulong na narinig umano sa ilang videos niya

- Nahagip umano ang imahe habang sinusuri ng paranormal expert na si Ed Caluag ang naturang opisina

- Ipasusuri naman nila sa isang video expert ang pangyayaring ito upang maliwanagan sila kung ano nga ba ang nahagip na imahe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang imahe ng isang 'babaeng' nahagip sa video

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Tila hindi pa rin natatapos ang mga kababalaghang nagaganap sa pansamantalang opisina ng 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo.

Nalaman ng KAMI na isa namang imahe ng babae ang nahagip di umano sa video kung saan sinusiri ng paranormal expert na si Ed Caluag ang naturang opisina.

Ayon kay Tulfo, umaga pa lang ng Lunes, Setyembre 28 nang pagkaguluhan ng kanyang mga staff kung ano ang nahagip ng video.

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Nang tanungin si Sharee Roman, ang co-host ni Tulfo sa programa, ito raw ay ang bahagi kung saan nakararamdam na siya ng matinding lungkot.

Sa sinasabing video, makikita ang imahe ng tila isang babaeng bigla na lamang sumulpot sa tabi ni Sharee.

"Kung itututok niyo po yan may buhok, babae, in fact may mukha maaring shadow lang," ayon kay Tulfo na nagkuwento pa ng kanyang sariling karanasan ng kababalaghan na naganap sa kwarto nila sa kanyang tahanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa kay Sharee, bagaman at nilapitan pa siya ng isang staff ng programa, ito ay matapos nang mahagip ang sinasabing imahe ng babae.

Matatandaang sa pagsusuri at pag-iimbestiga ng dalawang paranormal experts sa mismong opisina ni Tulfo, tila nagtugma ang kanilang sinabi na isang hindi matahimik na babae ang gumagambala roon.

Dahil dito, ipasusuri naman ni Tulfo ang naturang video sa isang eksperto upang maipaliwanag kung ano nga ba ang nahagip na imahe.

Audio Engineer, sinabing boses ng babae ang mga 'bulong' sa ilang video ng RTIA

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang batikang broadcast journalist na si Raffy Tulfo ay nagbahagi ng makapaninding balahibo niyang karanasan kamakailan sa kanila mismong tahanan.

Ayon pa nga sa kanyang misis na si Congresswoman Jocelyn, baka nasundan umano siya ng gumagambala sa kanilang opisina.

Bukod sa mga pagsusuring isinagawa ng mga paranormal expert, naglabas na rin ng resulta ang audio engineer na si Mark Yulo ukol sa mga 'bulong' sa ilang episodes ng RTIA. Sinabi nitong maaring mula ito sa mga party line gayung tumatawag ang mga staff ni Tulfo sa kanilang mga panauhin na kanilang kakapanayamin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel