3 estudyante, natagpuang patay; paghihiganti, posibleng motibo
- Tatlong nursing students ang natagpuang patay sa loob ng tinutuluyang bahay sa Caloocan
- Ilan sa tinitignang motibo sa malagim na krimen ay ang paghihiganti at pagnanakaw
- Apat na construction worker na gumagawa sa nasabing bahay ang itinuturing na "persons of interest" at dalawa rito ay hawak na ng mga pulis
- Labis-labis naman ang hinagpis ng mga kaanak ng mga biktima sa pagkamatay ng mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Tatlong nursing students ang natagpuang patay sa loob ng isang ipinapagawang bahay sa Barangay 179, Caloocan City.
Nakilala ang mga biktima na sina Mona Ismael, 22; Glydel Belonio, 28, at Arjay Belencio.
Ayon sa report ng 24 Oras, pinatira ng kaanak si Belencio sa ipinapagawang bahay kasama ang kaibigang si Belonio. Habang si Ismael naman ay dumalaw lang doon para mag-review.
Ilan sa tinitignang motibo sa krimen ay pagnanakaw at paghihiganti ayon sa pulisya.
Apat na construction worker ang itinuturing na "persons of interest" sa krimen. Dalawa sa mga ito ay hawak na ng pulisya.
Ayon sa panayam sa hepe ng Caloocan Police na si Police Colonel Dario Menor, nahuli umano ni Belonio ang isa sa mga construction worker na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Samantala, base naman sa report ng TV Patrol, nadiskubre umano ni Belencio ang ginawang panloloko ng ilang construction worker sa kanila.
Isa na rito ang pagpapatong umano ng malaking halaga sa mga materyales para sa ipinapagawang bahay ng kaanak nito.
Bukod sa anggulong ito ay tinitignan din ang pagnanakaw dahil nawawala ang dalawang ATM ni Belencio na naglalaman ng pera para sa construction. Ngunit natagpuan sa crime scene ang mga cellphones ng mga biktima.
"Kasi kung pagnanakaw, pati sana ‘yung mga cellphone. Ine-establish po natin ‘yung ibang angle pa,” ayon sa PNP.
Labis-labis naman ang hinagpis ng mga kaanak ng mga biktima sa pagkamatay ng mga ito.
Naghinala raw ang mga ito nang hindi na sumagot sa kanilang mga tawag ang mga biktima kaya naman agad nilang pinapunta ang isang kaanak ng mga biktima upang tignan ang mga ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakakalungkot na sa gitna ng pandemyang hinaharap ng buong mundo ay may mga naiuulat pa ring malagim na trahedya.
Katulad na lamang nang malagim na sinapit ng dalagang si Jang Lucero na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang kotse sa Laguna.
Isa sa tinitignang anggulo sa krimen ay love triangle ngunit agad na nilinaw ng kanyang nobya na si Meyah Amatorio ang pagkakasangkot nito sa karumal-dumal na krimen.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh