Phivolcs, mahigpit na binabantayan ang apat na bulkang may 'abnormal' na kondisyon

Phivolcs, mahigpit na binabantayan ang apat na bulkang may 'abnormal' na kondisyon

- Apat na bulkan sa bansa ang mahigpit na binabantayan ngayon ng Phivolcs dahil sa abnormal na kondisyon ng mga ito

- Bagaman at nasa alert level 1 pa lamang ang bulkan, may napansin umano silang pamamaga sa ilalim nito

- Dahil dito, maaga nang nagbigay babala ang Phivolcs na huwag nang lumapit pa sa tinatawag na danger zones ng mga bulkan

- Nito lamang Enero ng kasalukuyang taon ay naramdaman natin ang pagsabog ng Taal bago pa naman ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Phivolcs, mahigpit na binabantayan ang apat na bulkang may 'abnormal' na kondisyon
Photo from Needpix
Source: UGC

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang apat na bulkan sa bansa dahil sa abnormal na kondisyon ng mga ito.

Nalaman ng KAMI na ang apat na bulkang patuloy na mino-monitor ng Phivolcs ay ang Taal volcano sa Batangas, Bulkang Mayon sa Albay, Mt.Bulusan sa Sorsogon at Mt. Kanlaon sa Negros.

Read also

3 estudyante, natagpuang patay; paghihiganti, posibleng motibo

Ayon sa ABS-CBN News, nabanggit ni Renato U. Solidum Jr., Officer-in-Charge at Undersecretary ng Phivolcs, na pawang nasa alert level 1 ang mga bulkan at kinakitaan ng pamamaga.

"At Alert Level 1, all the four mentioned volcanoes earlier can actually have a steam-driven explosion. People then should not go inside their danger zones," pahayag ni Solidum.

Base sa ulat ng CNN, tila nabahala ang ilang senador ng bansa matapos na di maaprubahan ang nasa ₱133-million para sa taong 2021 na para sana sa mga makabagong pasilidad na mas makapgpapabuti ng pagmo-monitor tulad ng mahigpit na isinasagawa ngayon ng ahensya.

Subalit ayon kay Solidum, di raw ito ang magiging dahilan upang hindi nila mabantayan ang mga aktibidad ng bulkan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"It will not affect the current monitoring of those volcanoes. The main issue is we will slow down in terms of modernizing or putting up more stations," paliwanag niya.

Read also

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Matatandaang nito lamang Enero ng kasalukuyang taon ay naramdaman ng ilan nating kababayan sa Calabarzon maging sa Metro Manila ang muling pagsabog ng Bulkang Taal.

Base sa naitalang timeline ng Rappler kaugnay ng pangangalit na ito ng Taal, umabot sa alert level 4 noon ang kondisyon lalo na iyong mga nasa Batangas dahil sa patuloy na pagdanas nila ng mga lindol bunsod ng pagputok ng Taal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maraming pamilya ang nagsilikas at kamalasan ay wala nang nabalikang tahanan dahil dito.

Ngayon, bago matapos ang taon, isa muli ang Taal sa binabantayan sa posibleng muling pagsabog nito

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica