Top 10 sa tumatak at kinahuhumalingang linya sa Pinoy commercials sa telebisyon
- Bago pa man tayo makakapanood ng ating paboritong program sa telebisyon ay kailangan tayong maghintay at manoond ng ilang patalastas.
- At ilan sa napakaraming commercials sa TV ay mayroong natatangi sa kanila na isang linya lang ay tumatak ng dekada sa isipan at damdamin ng mga Pilipino.
- Narito at tingnan natin ang listahan ng Top 10 na tumatak na linya sa Pinoy TV commercials na talaga namang kinahuhumalingan ng taong bayan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ito ay ang listahan na binahagi ng 'Spot' at ngayon, ay ating isa-isahin ang mga paboritong 'one-liner' sa mga sikat na patalastas noon.
Samahan ninyo ang KAMI para tingnan ang mga nasabing listahan.
10. "Coffee na lang, dear"
Bago pa man, ginanapan ng batikang aktor na si John Arcilla ang 'Heneral Luna' ay una muna itong lumabas sa TV commercial ng 'Purefoods Honeycured Bacon TVC' at ang kanyang linyang "coffee na lang, dear' ay talaga namang tumatak.
9. "Nawawala si Jennifer."
Kahit kailan ay napakagaling talaga ng Jollibee na magbigay ng iba't-ibang nakakabagbaga damdaming mga TV commercials at bago pa man sumikat ang mga mini-series nila ay nauna muna ang cute na baby na ito na magtanong sa kanyang mommy, "Mommy, nakita mo ba si Jennifer?"
8. "Goodbye, Carlo!"
Sino ba ang makakalimut na napaka-cute na si Chantal Umali, ang bata sa Purefoods commercial na nagsusulat ng diary niya na hindi kayang iwan ang hotdog?
Kaya imbis na goodbye, hotdog, nag goodbye, Carlo na lang siya.
7. "Isa pa, isa pang Chickenjoy!"
Habang nakikipaglaro si Aga Muhlach ng charades sa mga bata na kasama ang 'Ang TV' graduate na si Serena Dalrymple at nagpahula si Aga ng chicken joy kaya humingi ang mga ito.
Pero dahil sa sarap ay humingi pa ulit kaya sinabi ni Serena, "Isa pa, isa pang Chickenjoy!" na kinalaunan ay sinabayan ng lahat.
6. "Sports car! 'Yong red!"
Habang umuupo sa isang bench may isang bata ang humingi ng Fita sa lalaki at binigyan naman niya ito.
Pero yun pala may isang matandang babae pa sa tabi nya at humingi din sa kanya pero last Fita na nga niya kaya hinati niya ang biscuit.
Isa pa lang fairy ang nasabing matanda at ginantimpalaan siya ng isang kahilingan dahil sa kanyang kabaitan, at yun niya sinabi "Sports car! 'Yong red!" pero dahil kalahati lang binigay niya kalahati din ng sportscar ang binigay ng fairy.
5. "I Love You Piolo!"
At sinong hindi makakakilala at makakalimut sa commercial kung saan sumikat si Toni Gonzaga bago pa man siya naging 'Ultimate Multimedia Superstar' ay sinagaw mo na niya ang linyang 'I Love You Piolo!' sa Sprite commercial
Ngayon, ay nakapareha na niya si Piolo at ang movie nila na 'Starting Over Again' ay is lang naman sa top 5 na box-office hit na pelikula.
4."Now you know!"
Hindi lang sikat si Manny Pacquiao sa boxing at sa senado kung hindi pati sa commercial ng 'Vitwater.
POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here
3. "Karen po"
Bago pa man naging mommy si Karen delos Reyes ay siya muna naging paboritong apo ni Lolo sa 'McDonald's commercia.'
2. "Saan aabot ang 20 pesos mo?"
Bago pa man sumali sa 'StarStruck' si Sef Cadayona ay sumikat muna siya sa nakakatawang 'Corneto' commercial.
1. "Suportahan taka"
Bago pa man siay bumida ngayon sa 'Bagani' bilang Dakim ay siya si Ti sa commercial ng PLDT NDD.
Ano pa ang ibang commercial na tumatak sa inyo?
Dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa araw ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.
Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento
More HumanMeter videos on YouTube here
Source: KAMI.com.gh