Cheryl Cosim, naluha sa ₱1 milyong donasyon ni Tulfo para sa mga nasalanta ni "Ulysses"

Cheryl Cosim, naluha sa ₱1 milyong donasyon ni Tulfo para sa mga nasalanta ni "Ulysses"

- Naging emosyonal ang news anchor na si Cheryl Cosim nang tanggapin ang P1 milyong donasyon ni Raffy Tulfo para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses

- Si Cosim ay miyembro ng Alagang Kapatid Foundation na siyang magpapaabot ng tulong sa mga kababayang labis naapektuhan ng bagyo

- Naikwento niyang noon pa man ay tumutulong na talaga si Tulfo na kilala sa pagiging Hari ng public service, ngunit ngayon, isang milyong piso agad ang kanyang ibinagsak para sa mga Pilipinong nakakararanas na nga ng pandemya, hinagupit pa ng ilang bagyo

- Maging ang misis din at mga anak ni Tulfo ay nagpaabot ng tulong sa mga kababayan natin kaya naman likas na talaga sa kanilang pamilya ang pagmamalasakit sa kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Cheryl Cosim, naluha sa P1 milyong donasyon ni Tulfo para sa mga nasalanta ni "Ulysses"

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook
Source: Facebook

Naging emosyonal si ang kilalang news anchor na si Cheryl Cosim nang tanggapin niya ang tseke ng donasyon ni Raffy Tulfo para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Tinutuluyan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Balesin island, nawasak ng Bagyong Ulysses

Nalaman ng KAMI na inilaan ni Tulfo ang kanyang programa na 'Wanted sa Radyo' ngayong araw, Nobyembre 12, na magbigay daan sa pagpapaabot ng tulong sa mga naapektuhan ni "Ulysses."

Sa umpisa pa lamang ng kanyang programa'y inanunsyo na niya ang agaran niyang pagbibigay ng donasyon upang maipamahagi ito agad sa ating mga kababayan.

Upang tanggapin ang tseke, naroon din mismo sa programa ang kanyang co-anchor ng Frontline Pilipinas na si Cheryl Cosim.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Cosim ay miyembro ng "Alagang Kapatid Foundation" na siyang mamamahagi ng tulong sa ating mga kababayan.

Naikwento niyang noon pa man ay tumutulong na si Tulfo ngunit ngayon, P1 milyong piso agad ang iniaabot nito para mas mabilis na maibahagi sa mga kababayan nating humihingi ng saklolo.

"Thank you for sharing your blessings!" ang naluluhang nasabi ni Cosim sa pagpapasalamat niya kay Tulfo na labis niyang hinahangaan pagdating sa pagmamalasakit sa kapwa Pilipino.

Raffy Tulfo at Ogie Diaz, napag-usapan kung gaano kalaki ang kinikita nila bilang mga YouTuber

Nabanggit din niyang maging ang misis nito na si Congresswoman Jocelyn Tulfo ay nagpaabot din ng tulong gayundin ang mga anak nito bukod pa sa isang milyong binigay ng "Idol Raffy " ng bayan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagiging isa sa mga batikang news anchor sa bansa, kilala rin si Raffy Tulfo sa di matatawarang serbisyo publiko.

Mabilis niyang inaaksyunan ang mga sumbong ng naaapi nating mga kababayan at agaran din naman ang kanyang pagbibigay ng tulong sa kapwang lalong naghikahos dahil sa nararansan nating pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel