Ina ni Jang Lucero, lumapit na kay Erwin Tulfo

Ina ni Jang Lucero, lumapit na kay Erwin Tulfo

- Dumulog sa programa ni Erwin Tulfo ang ina ng napaslang na lady driver na si Jang Lucero

- Ito ay upang humingi ng tulong upang panagutin ang mga may sala sa pagkapaslang sa kanyang anak

- Nais niyang paimbestigahan din ang karelasyon ng kanyang anak na si Meyah Amatorio dahil sa umano'y pananakit nito kay Jang

- Gayunpaman, sa naunang panayam, itinanggi ni Meyah na sinasaktan niya si Jang na taliwas sa mga kumakalat social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Idinulog ng ina ni Jang Lucero sa programa ni Erwin Tulfo na "Tutok Tulfo" para humingi ng tulong sa paghahanap ng hustisya para sa pagkapaslang sa kanyang anak.

Ina ni Jang Lucero, lumapit na kay Erwin Tulfo

Robyn Jang Lucero
Source: Facebook

Nais niyang mapaembistigahan ang karelasyon ng anak na si Meyah Amatorio matapos niyang makatanggap ng mga kopya ng umano'y mga mensahe ng anak na nagpapakita ng kanyang mga pasa na gawa ng karelasyon dahil nais na nitong makipaghiwalay kay Meyah.

Sa isang panyam ay mariin na itinanggi ni Meyah ang mga akusasyon at hindi niya umano magagawa iyon sa kanyang kasintahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi rin umano totoo ang lumabas na balitang nagtatago na siya at nagbabalak na pumunta sa bansa. Aniya, kung gagawin niya yun, parang pinatunayan niya lang na may kasalanan siya sa pagkamatay ni Jang.

Agad namang inaksiyonan ng news anchor ang hiling ng ina ni Jang na huwag hayaang makalabas ng bansa si Meyah.

Sa isang panayam ay kinausap ni Erwin Tulfo ang acting spokesperson ng Bureau of Immigration na si Melvin Mabulac. Gayunpaman, maari lamang nilang maharang ang paglabas nito kung ipinag-utos ng korte.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Robyn Jang Lucero ay ang lady driver na natagpuang tadtad ng saksak sa Calamba, Laguna. Dahil sa tindi ng tinamong saksak ni Jang, marami sa mga netizens ang nais makatulong upang mabigyan ng ito ng hustisya.

Nauna nang naaresto ang dating kasintahan ni Meyah na si Ann Sheila Montes Belarmino.

Gayunpaman, dahil sa kakulangan umano ng ebidensiya, pinakawalan din si Belarmino. Iginiit ng kanyang abogado na hindi siya ang pumaslang kay Jang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel