Lolit Solis, ilalaban na hindi totoo ang bintang kay Dingdong Dantes

Lolit Solis, ilalaban na hindi totoo ang bintang kay Dingdong Dantes

- Sa gitna ng mga agam-agam tungkol sa mga kumakalat na haka-haka, pinagtanggol ni Lolit Solis si Dingdong Dantes

- Aniya, ilalaban niyang hindi magagawa ni Dingdong ang ibinibintang sa kanya dahil kahit noon pa man ay hindi umano iyon nagawa ng aktor

- Inudyukan niya ang netizens na hintayin na lamang na lumutang ang totoong pagkakakilanlan ng aktor na tinutukoy sa mga blind item

- Matatandaang iniugnay ng ilan si Dingdong sa isang blind item tungkol sa aktor na nakabuntis umano ng isang aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilalaban umano ni Lolit Solis na hindi kayang gawin ni Dingdong Dantes ang mga bintang sa kanya na siya ang tinutukoy sa blind item na aktor na nakabuntis sa isang aktres.

Sinasabing si Lindsay de Vera ang aktres na nabuntis. Gayunpaman, pinabulaanan ng isang online showbiz news magazine na si Dingdong ang kanilang tinutukoy sa nasabing blind item.

Read also

Billy Jack Sanchez, hinamon si Erwin Tulfo ng IQ test

Ayon kay Lolit, malayong gawin iyon ng aktor dahil hindi naman iyon nangyari kahit noong binata pa siya at lalong higit na hindi niya magagwa ngayon dahil sa pagiging huwarang ama nito at masaya naman umano ito sa kanyang asawa.

Lolit Solis, ilalaban na hindi totoo ang bintang kay Dingdong Dantes
Photo from Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Basta ako ilalaban ko na hindi magagawa ni Dingdong iyon kumakalat na bintang, nuon binata pa siya never nangyari, ngayon pa na sobra ang happiness niya sa kanyang married life at dedication niya as a father sa dalawang anak na sila Zia at Ziggy.

Matatandaang kasabay ng paglabas ng balitang ito ay idinawit din si Mocha Uson na umano'y nabuntis ni Robin Padilla. Gayunpaman, pinabulaanan na ito ng maybahay ni Robin na si Mariel Padilla.

Dagdag pa ni Manay Lolit, antayin na lang kung sino ang tinutukoy dahil mahirap naman makapunta ng ibang bansa para tumakas at doon manganak dahil sa travel ban.

Read also

Sue Ramirez, pinagtanggol ng bf na si Javi Benitez laban sa malisyosong akusasyon

So bakit hindi na lang natin hintayin ang discovery day dahil hindi naman puwede tumakas at manganak abroad dahil may travel ban. Kalokah talaga na nagmamadali ang netizen to find out who , mas excited pa sila kesa sa vaccine ng covid 19. Wait lang, 5 months na iyan, malapit na lumabas, konting araw na lang, hintayin na natin ang great reveal, puwede ? Huwag na sino sino pa itinuturo,huwag magmadali.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network.

Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram. Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Kamakailan nga ay pinuri ni Lolit si Luis Manzano sa pagsagot nito sa mga bashers niya.

Read also

Suzette Doctolero, pinalagan ang mga nambabatikos sa Voltes V

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel