Jake Zyrus, idinitalye sa kanyang libro ang umano'y karanasan sa kanyang ina
- Sa kanyang librong I am Jake, idinitalye ni Jake Zyrus ang kanyang karanasan
- Kanyang ibinahagi ang umano ay pang-aabuso sa kanya ng kanyang sariling ina
- Si Jake ay dating kilala bilang si Charice Pempengco
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muling naging sentro ngayon ng kontrobersiya ang mag-inang Jake Zyrus at Raquel Pempengco. Ito ay matapos muling magkalabasan ng saloobin sa social media ng magkabilang kampo. Samantala, sa kanyang isiniwalat ni Jake Zyrus—dating kilala bilang Charice Pempengco—ang mga pang-aabusong naranasan diumano niya sa kamay ng sariling ina.
Napag-alaman ng KAMI ang tungkol sa ilan sa mga nilalaman ng libro ni Jake sa pamamagitan ng Pep.
Sa Chapter 2 ng nasabing libro na may pamagat na Mommy Dearest, inilabas ni Jake ang kanyang diumano'y naging mapait na karanasan noong bata pa siya sa piling ng ina.
"Here's the sad truth: I don't know my own mother." ito ang ilan sa mga naunang salitang nakasulat sa nasabing chapter.
Ayon sa singer, apat na magkakapatid sina Raquel pero ang ina lang daw niya ang laging nakakaaway ng kanyang lola na si Tess Relucio.
Nakikita diumano nila Charice kung paano saktan ng kanilang lola ang kaniyang ina at mga kapatid nito.
Ang kanyang lola raw diumano ang batas sa kanilang tahanan at kahit ang kanyang lolo ay hindi makapalag dito.
Ito ang naging dahilan kung bakit napagpasiyahan umalis nina Raquel kasama ang dalawang anak na sina Charice at Carl.
At dito na raw nakita ni Charice ang pagkakaparehos ng kanyang ina, at lola-parehos silang nananakit ayon sa singer.
"When Mommy left Lola's home, their similarities started to manifest: the bad temper, the need to win every argument, and eventually, the tendency to hurt their kids."
Kung ang mga kapatid ni Raquel ay dinidisiplina ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pangungurot o kaya ay paghila sa kanilang buhok.
Ang mommy daw niya ay gumagamit ng sapatos, sinturon, at walis-tambo sa pananakit kay Charice/Jake.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
"Mommy often hit me on the head with her high heels.
"This is the reason why my scalp is covered with scars that have formed bumps and valleys on my head." pagsasalaysay ni Jake.
Kahit madalas tawaging evil queen ang ina, hindi naman daw tuluyang pagkamuhi ang nanaig sa kanya.
“I can't bring myself to totally hate my mother because despite her darkness, there is some light in her.
"Her good side needs certain conditions to come out, though."
Matatandaang nagbahagi din si Jake ng diumano'y pag mamaltratong dinanas sa ina noong August 26, 2017 episode ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya at base sa pagsasalaysay ni Jake, ipinakita rito ang pagmamalupit ni Raquel.
Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter
Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!
Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers
Source: KAMI.com.gh