Neil Arce, bumwelta kay Suzette Doctolero kaugnay sa pahayag nito laban kay Angel Locsin

Neil Arce, bumwelta kay Suzette Doctolero kaugnay sa pahayag nito laban kay Angel Locsin

- Matapos maglabas ng pahayag hinggil kay Angel Locsin, bumwelta si Neil Arce laban kay Suzette Doctolero

- Nilinaw ni Neil ang akusasyon laban kay Angel tungkol sa shares umano niya sa ABS-CBN

- Ayon sa kanya, binitawan na ito ni Angel noong bago pa i-shutdown ang Kapamilya network

- Si Suzette Doctolero ay isang writer sa GMA-7 na nakatrabaho na rin noong araw ni Angel sa ilang mga projects

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos magsalita laban kay Angel Locsin ang writer ng GMA-7 na si Suzette Doctolero, hindi pinalampas ni Neil Arce ang naging pahayag nito.

Matatandaan tinawag ni Doctolero na exag ang pahayag ni Angel Locsin. Pinaalala din nito kay Angel na ang GMA-7 ang dahilan kung bakit siya nakilala bilang Darna.

Neil Arce, bumwelta kay Suzette Doctolero kaugnay sa pahayag nito laban kay Angel Locsin

Neil Arce's Instagram
Source: Instagram

Narito ang naging pahayag ng GMA-7 writer.

"I admire your courage po pero huwag exag. Kumita ka ng sobrang laki sa GMA. Malaki ang net worth mo nung lumipat ka sa kabila. Sa totoo lang tayo ha. Kaloka. Though baka naman din kasi sa sobrang silakbo lang ng damdamin mo kaya mo siguro nasabi ang tila yata kasinungalingan na padrama mo na ito, right? pero, gurl, we know at ng BIR na di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh. But go, tuloy ang laban, gurl. Wag lang oa sa mga statement. Sa truth lang tayo, yes! Btw, ginawa ka naming Darna. Im glad na until now ay nakakabit sa iyo ang pagiging superhero.. kaya sana konting lingon naman ng konti sa pinanggalingan at huwag magsisinungaling ha? Ang totoong hero ay may integredad at di liar, di ba?"

Paglilinaw ni Neil, totoong wala na talagang share si Angel sa ABS-CBN dahil binitawan na niya umano ito bago pa man nag-shutdown ang network.

She let go of her shares, that she hasn’t even paid for, waaaaay before ABS shutdown. You can check :)

Buwelta ni Neil, kahit pa mangyari ang parehas na sitwasyon sa GMA, ipaglalaban nila ito hindi umano katulad ng ginagawa ng writer.

She let it go before ABS shut down. Anyways I pray Na Hindi mangyari sa GMA ang nangyari sa ABS dahil karamihan ng akusasyon sa kanila Ay ginagawa din ng GMA at alam naman natin Na Hindi illegal yun.Dont worry Di kami katulad mo. Pag nangyari sa inyo yn pag lalaban namin kayo.

Naging mahaba ang sagutan nila sa Twitter hanggang sa mismong si Angel Locsin na ang nagsabing huwag pansinin ang mga patutsada ni Doctolero.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

Matatandaang naging laman ng balita ang aktres kamakailan dahil sa kanyang matapang na pahayag sa mga kasamahan niyang artista na nanatiling tahimik kaugnay sa ABS-CBN franchise.

Hindi din niya napigilang magbigay ng komento hinggil sa pahayag ni Spox Harry Roque hinggil sa donasyon ng ABS-CBN sa panahon ng pandemya.

POPULAR: Read more about Angel Locsin here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel