Kiray Celis, napaiyak ang boyfriend sa kanyang prank

Kiray Celis, napaiyak ang boyfriend sa kanyang prank

- Napaiyak ang boyfriend ng aktres na si Kiray Celis sa prank nito sa kanya

- Dahil sa husay ni Kiray sa pag-arte ay napaniwala niya ang boyfriend na si Stephan Estopia

- Gayunpaman, matapos makita ni Kiray na nasaktan niya ang boyfriend, maging siya ay nasaktan at napaiyak na rin

- Kinilig naman ang kanilang mga tagahanga dahil sa marami sa kanila ang naniniwala sa tunay na pagmamahalan ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napaiyak ang boyfriend ni Kiray Celis na si Stephan Estopia sa prank na ginawa ni Kiray sa kanya. Sa pamamagitan ng video call ay kinausap ng masinsinan ni Kiray si Stephan.

Pinalabas niyang nahalikan siya ng isang kasama nila sa kanyang trabaho. Nang marinig naman ito ni Stephan, natahimik na lamang ito at maya-maya ay pinutol na ang kanilang pag-uusap.

Rob Moya, tuluyan nang lumipat ng bahay matapos nilang maghiwalay ni Toni Fowler

Nagmukhang makatotohanan ang "pagtatapat" na iyon ni Kiray dahil umiyak din ang aktres.

Kiray Celis, napaiyak ang boyfriend sa kanyang prank

Photo from Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

Samantala, matapos maputol ang kanilang pag-uusap, hindi kaagad sinagot ni Stephan ang kanyang mga tawag.

Dito na naiyak ng totoo si Kiray dahil nakita niyang nasasktan ang kanyang kasintahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang muli silang nagkausap ay pinagtapat na ni Kiray na prank lang ang lahat ng iyon.

Ani Kiray, ang katrabahong si Buboy Villar ang nakaisip ng prank na ito.

Samantala, marami ang naantig sa pagmamahalan ng dalawa at kinilig para sa aktres:

Sana all sobrang love each other... Cry si jowa, wag mo ng pakawalan yan kahit anong mangyari Kiray.
Nakakatuwa ung love niyo sa isat isa which is good talaga. Hoping na magtagal pa kayo and wag papaapekto sa iba. We love you Kiray.
Aiko Melendez, tinanong si Sec. Harry Roque kaugnay sa ilang maiinit na isyu
I love you both for being genuine. Lalo na yung part na naiyak ka na kasi nasaktan mo jowa mo. Haysss. May God bless your relationship.

\PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng Goin' Bulilit at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng Mara Clara, Luv U at Growing up.

Samantala, sa naunang vlog ni Kiray ay ibinahagi niya ang kwento kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila ni Stephan.

Kamakailan lang ay pinagdiwang ng dalawa ang kanilang unang taon bilang magkasintahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel