Rob Moya, tuluyan nang lumipat ng bahay matapos nilang maghiwalay ni Toni Fowler

Rob Moya, tuluyan nang lumipat ng bahay matapos nilang maghiwalay ni Toni Fowler

- Matapos sabihing nagkaayos na sila, tuluyan nang naghiwalay ang vlogger na si Toni Fowler at Rob Moya

- Sa isang vlog ay pinakita ni Rob ang kaganapan sa kanyang paglipat ng bahay kung saan makikitang tinulungan pa syang mag-empake ni Toni

- Mananatili umano ang kanilang pagkakaibigan kahit hiwalay na sila at sa ibang bahay na nakatira ang aktor

- Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, maayos ang pag-uusap ng dalawa at humingi ng tawad si Rob sa kanyang maling nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuluyan nang nagkahiwalay sina Rob Moya at ang vlogger na si Toni Fowler matapos subukang ayusin ang kanilang pagsasama.

Sa isang vlog ni Rob ay pinakita niya ang kaganapan sa kanyang paglipat ng bahay. Tinulungan pa siyang mag-empake ni Toni at wala pa umanong ibang nakarelasyon si Rob na gumawa niyon sa kanya.

Events host, 10 beses nagparetoke magkaroon lang ng mga raket

Aminado naman si Toni na mahal pa talaga niya si Rob ngunit napagkasunduan nilang pareho na maghiwalay na lang sila dahil sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan.

Rob Moya, tuluyan nang lumipat ng bahay matapos nilang maghiwalay ni Toni Fowler

Photo from Toni Fowler (tonifowlerpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman napigilang maiyak ni Toni habang nag-uusap sila ni Rob at sinabi nitong sa huling pagkakataon ay magsayaw sila.

Tumanggi naman si Toni dahil nahihirapan na daw siya sa kanilang sitwasyon na iginalang naman ni Rob at inihingi ng patawad ang kanyang nagawa at pagkukulang kay Toni.

Patuloy naman na umaasa ang mga tagasuporta ng dalawa na sana a magkabalikan sila. May mga patuloy na umaasa na sana ay isa lamang ito sa mga video na scripted at prank lang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Raquel Pempengco, buong pusong tinanggap ang ina matapos siyang ipa-Tulfo

Nakilala ang tambalang Rob at Toni matapos masangkot ni Toni sa eskadalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at Rob hanggang sa unti-unting lumaki ang kanilang pamilya na kinabilangan ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.

Kilala sila sa tawag na Toro Family. Si Toni Fowler ay unang nakilala sa social media bilang isa sa mga RBreezy girls.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel