Rob Moya, ibinahagi ang sakit na dinanas sa paghihiwalay nila ni Toni Fowler

Rob Moya, ibinahagi ang sakit na dinanas sa paghihiwalay nila ni Toni Fowler

- Hindi naitago ni Rob Moya ang kanyang saloobin sa paghihiwalay nila ni Toni Fowler

- Kasunod ng pag-amin ni Toni na single na nga siya, sunod-sunod din ang naging hugot ni Rob sa social media

- Maging ang kanyang status sa kanyang social media account ay pinalitan niya na rin ng single

- Gayunpaman, marami sa mga tagasubaybay ng Toro Family ang umaasang magkakaayos pa ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maitago ni Rob Moya na apektado siya sa paghihiwalay nila ng ka-live-in niyang si Toni Fowler. Sa kanyang social media accounts ay panay ang pagbabahagi niya ng kanyang mga hugot sa kasalukuyang nangyayari sa kanila.

Matapos tahasang aminin ni Toni na single na siya, pinalitan na rin ng aktor ang kanyang status sa kanyang Facebook.

Rob Moya, ibinahagi ang sakit na dinanas sa paghihiwalay nila ni Toni Fowler
Photo from Rob Moya
Source: Facebook

Sa kanyang Instagram Story kamakailan ay pinahiwatig niyang dinadaan niya sa pag-inom ng alak ang kanyang problema.

Read also

Meryll Soriano, pinasalamatan si Joem Bascon sa dahil pagiging maalaga nito

Samantala, bago tuluyang maghiwalay ay matatandaang sinabi ni Toni na sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon.

Gayunpaman, tila natuluyan nang maghiwalay ang dalawa at hindi na rin nakikita sa mga vlog ni Toni si Rob.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala ang tambalang Rob at Toni matapos masangkot ni Toni sa eskadalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez.

Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at Rob hanggang sa unti-unting lumaki ang kanilang pamilya na kinabilangan ng malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.

Kilala sila sa tawag na Toro Family.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Toni Fowler ay unang nakilala sa social media bilang isa sa mga RBreezy girls.

Read also

Kaibigan ni Toni Fowler, napaiyak dahil sa pinagdadaanan ng kaibigan

Matatandaang kinompronta ni Toni sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo ang isang basher na dinamay pati ang kanyang anak na si Tyronia sa pangbabatikos at pambabanta sa kanya.

Gayunpaman, iginiit ng nasabing basher na na-hack umano ang kanyang Facebook account at itinangging siya ang nangbash kay Toni. Kaya naman nang sumablay ito sa lie detector test, nanindigan si Toni na kakasuhan niya ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel