Meryll Soriano, pinasalamatan si Joem Bascon sa dahil pagiging maalaga nito

Meryll Soriano, pinasalamatan si Joem Bascon sa dahil pagiging maalaga nito

- Matapos maging bukas sa publiko tungkol sa pagbabalikan nila ng dating kasintahang si Joem Bascon, muling nagbahagi ng mensahe si Meryll Soriano

- Pinasalamatan niya si Joem sa pag-aalaga umano nito sa kanya at ngayon sa kanilang mag-iina

- Ibinahagi niya rin ang isang litrato nila habang hinahawakan ng aktor ang kanyang tiyan

- Matatandaang isinapubliko ni Meryll ang tungkol sa kanila sa pagsimula ng taong 2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Meryll Soriano ang kanyang pasasalamat sa pag-aalagang ginawa ni Joem Bascon sa kanya maging sa kanyang mga anak.

Sa isang Instagram post ay nagbahagi si Meryll ng litrato nilang magkasama habang hawak ng aktor ang kanyang tiyan na kuha noong hindi pa siya nanganganak.

Meryll Soriano, pinasalamatan si Joem Bascon sa dahil pagiging maalaga nito
Photo from Meryll Soriano (@planetumeboshi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Heart Evangelista at Chiz Escudero, muling kinaaliwan sa kanilang Adulting vlog

Wala pang pinapaunlakang panayam si Meryll kaya wala pang masyadong detalye tungkol sa kanyang panganganak ngunit kamakailan ay nagbahagi siya ng pagbati mula sa kanyang pamilya kalakip ng litrato niya kasama ang panganay na anak na si Elijah Palanca, ang aktor na si Joem Bascon at ang kanyang baby.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang lumabas ang balitang muling nagkabalikan sina Meryll at Joem noong Enero taong 2020 kung saan nagkasama sila sa teleseryeng pinabidahan ni Judy Ann Santos, ang "Starla." Una silang nagkatrabaho sa ABS-CBN television show na ‘I Love Betty La Fea’ noong 2008 kung saan sila naging magkarelasyon.

Gayunpaman, Oktubre ng taong 2010 nang kumpirmahin ni Joem na hiwalay na sila ni Meryll. Naging mailap ang dalawa sa media kaugnay sa napabalitang muli nilang pagbabalikan.

Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal.

Read also

Rob Moya, ibinahagi ang sakit na dinanas sa paghihiwalay nila ni Toni Fowler

Kamakailan ay ginulat ni Meryll ang publiko sa kanyang rebelasyon tungkol sa kanila ni Joem Bascon.

Ibinahagi din kamakailan ng aktres ang litrato niya kung saan karga-karga ni Willie Revillame ang kanyang baby.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel