Heart Evangelista at Chiz Escudero, muling kinaaliwan sa kanilang Adulting vlog

Heart Evangelista at Chiz Escudero, muling kinaaliwan sa kanilang Adulting vlog

- Muling kinaaliwan ng netizens ang panibagong adulting vlog ni Heart Evangelista kasama ang asawa

- Marami ang bumilib sa mga ibinahaging mga ideya at opinyon ni Gov. Chiz Escudero

- Ilan lamang sa kanilang napag-usapan ay tungkol sa pagdo-donate tuwing may kalamidad at tungkol sa LDR na relasyon

- Maging silang mag-asawa ay hindi palaging magkasama dahil sa kailangan manatili ni Chiz sa Sorsogon para sa kanyang tungkulin bilang governor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling isinama ni Heart Evangelista ang asawang si Chiz Escudero sa kanyang vlog kung saan tinatanong niya ang asawa tungkol sa mga bagay-bagay.

Naging patok sa mga netizens ang mga naunang Adulting vlog nila dahil sa marami umanong naibabahaging kaalaman at payo ang dating senador.

Ilan sa mga bagay na kanilang pinag-usapan ay tungkol sa pagdo-donate tuwing may kalamidad at tungkol sa LDR na relasyon.

Read also

Meryll Soriano, pinasalamatan si Joem Bascon sa dahil pagiging maalaga nito

Heart Evangelista at Chiz Escudero, muling kinaaliwan sa kanilang Adulting vlog
Photo from Heart Evangelista (@iamhearte)
Source: Instagram

Bilang kabilang sa mga maituturing na Long Distance Relationship, tinanong ni Heart kung paano nakakayanan ng asawa ang ganoong sitwasyon nila.

Ayon naman kay Chiz, kung ihahambing niya ang kanyang karanasan noong nagkaroon siya ng karelasyon sa malayong lugar, mas mahirap noon kaysa ngayon gawa ng makabagong teknolohiya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, noon ay mas mahirap dahil sulat lang ang paraan para makapag-usap ang mga taong magkalayo.

Ibinahagi din niyang para sa mga taong nagbibigay ng donasyon, mas magandang yung mga pagkaing hindi na kailangang iluto ang ibigay dahil hindi naman nakakapagluto ang mga naroroon sa evacuation center.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Read also

Kaibigan ni Toni Fowler, napaiyak dahil sa pinagdadaanan ng kaibigan

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel